Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng mga proteksiyon, insentibo, at institusyonal na suporta sa lumalaking sektor ng freelance workers sa bansa, imbes na pinapatawan sila ng karagdagang buwis na makaaapekto sa mga online gig workers.

Ito ay matapos marepaso ang implementing rules and regulations para sa implementasyon ng Republic Act No. 12023, o ang Value-Added Tax on Digital Services Law.

Ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, kinakailangan ang agarang pagpapatupad ng mga patakarang kikilala sa mahalagang kontribusyon ng freelancers, lalo na sa digital at remote work sectors.

“Ang mga freelancers ay nagsusumikap na umuunlad kahit walang pormal na suporta. Sa halip na buwisan ang pinanggagalingan ng kanilang kabuhayan, dapat tayong lumikha ng mga polisiya na magpapalakas at poprotekta sa kanila,” ani Espiritu.

Layunin ng panukalang DST na patawan ng value-added tax ang mga digital services tulad ng online freelance marketplaces, payment processors, at productivity platforms. Ito ay sinalubong ng pagtutol mula sa iba’t ibang grupo mula sa labor at tech sectors.

Maraming freelancers ang umaasa sa mga serbisyo gaya ng Upwork, Fiverr, PayPal, at Google Workspace sa kanilang araw-araw na trabaho. Nabahala ang ilan na posibleng tumaas ang singil sa serbisyo o kaya’y malimitahan ang kanilang access dahil sa bagong buwis.

Sa panayam ng TRABAHO kay EJ Gonzales na isang freelance artist sa isang digital platform at suma-sideline rin bilang host at performer,  nilitanya nito ang kawalan ng kasegurohan at kawalan ng awtoridad na mapagsusumbungan sa mga katiwalian sa kontrata para sa mga digital service provider na gaya niya, maliban sa kawalan ng mga benepisyo.

“Parang wala akong alam na may available for us. Kaya minsan nakaiinggit actually ‘yung mga nagtatrabaho sa corporate. Meron silang HMO, allowance, secured na kinikita every month. Wala kaming mga ganon na benefits,” pagbabahagi ni Gonzales.

Sa kabila nito, kinakaharap pa rin ng mga freelancers ang kawalan ng job security, access sa benepisyo, at proteksiyon laban sa mapang-abusong kliyente. Marami ang nagtatrabaho nang walang kontrata, na nagdudulot ng problema tulad ng delayed payments at kakulangan ng legal recourse.

“Dapat nating i-formalize at suportahan ang sektor na ito,” dagdag ni Espiritu. “Kasama na rito ang abot-kayang internet, tax incentives para sa online workers, proteksiyon laban sa abuso mula sa mga platform, at pagsasama sa mga programang pangkalusugan at pensiyon.”

Babala ng TRABAHO Partylist, ang pagpapatupad ng DST ay hindi lamang magpapalaki sa gastusin ng mga freelancers, kundi maaaring magtulak sa mga Filipino na lumipat sa ibang paraan ng kabuhayan o lumayo sa digital gig economy.  (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …