Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Habemus Papam

050925 Hataw Frontpage

HATAW News Team

HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko.

Kahapon, 8 Mayo 2025, eksaktong 6:08 ng gabi, ang Simbahang Katoliko ay pumasok na sa bagong panahon.

Inihudyat ito ng puting usok na lumabas sa chimney ng Sistine Chapel sa Vatican City. Ang sinaunang hudyat ay may iisang ibig sabihin: Napili na ang bagong Santo Papa.

               Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga nagtipon sa St. Peter’s Square habang pinanonood ang lumalaking puting usok sa alapaap.

Matapos ang ilang ulit na matinding pagpili — na ginanap sa isang sagradong lugar — ng mga miyembro ng College of Cardinals.

Ang nanaig na desisyon ay hudyat ng pagtatapos ng “conclave” at ang simula ng pamumuno ng bagong Santo Papa — siya ang magiging ika-267 nahirang sa kasaysayan ng Katoliko.

Bagong pangalan hinihintay

Bagaman, kinompirma ng puting usok na hinirang na ang Bagong Papa, hindi pa tukoy ang kanyang pagkakakilanlan. Batay sa tradisayon, ihahayag ng Vatican officials ang salitang “Habemus Papam” —mga salitang Latin na ang ibig sabihin ay “Mayroon na tayong Santo Papa” — sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica.

Makalipas ang ilang oras, ipinakilala ang bagong Santo Papa na si Cardinal Robert Francis Prevost, isang misyonerong nakatalaga sa Peru, ang unang Amerikanong Papa sa 2,000 taong kasaysayan ng Simbahang Katoliko.

Pinili ni Prevost, 69 anyos, ang pangalang Leo XIV.

Ang bagong hirang na Santo Papa ay magpapakita sa publiko upang igawad ang kanyang unang pagbabasbas o ang tinatawag na “Urbi et Orbi,” na ang ibig sabihin “para sa lungsod at sa buong mundo.”

Pinakamalaking Conclave sa Kasaysayan

Espesyal at mahalaga ang pinakahuling conclave. Maituturing ito na pinakamalaki sa kasaysayan ng Simbahan na mayroong 133 cardinal-electors mula sa buong mundo. Lahat ng mga lumahok na cardinal ay wala pang 80 anyos, bilang rekesitos ng Vatican.

               Nahirang ang bagong Santo Papa na ang ibig sabihin ay nakatanggap siya ng dalawang-katlo ng mga boto. Katumbas ito ng 89 cardinals na iisang pangalan ang hinirang. Umabot ng apat na botohan bago nanaig ang nasabing desisyon. Ang mga balota ay sinusunog sa isang espesyal na kalan sa Sistine Chapel. Ang kemikal ay idinadagdag sa usok — puti kapag may napili na, itim kung hindi pa nagkakaisa ang desisyon.

Transisyon ng Simbahan

               Sa pagpanaw ni Pope Francis, nagsilbi bilang maimpluwensiya at kinikilalang reform-minded leader,

ang bagong Santo Papa ay papasok sa isang komplikado at nagbabagong mundo.

Ipapastol niya ang Simbahan sa gitna ng mga isyung secularism, political polarization, climate change, at internal reform.

               Ang mga Katoliko sa buong mundo ay nagmamasid at umaasa. Marami ang nagdarasal para sa isang lider na mahabagin, matalino, at may kakayahang kumonek sa bagong henerasyon habang nanatili ang pananampalataya sa core values ng Simbahan.

Buong mundo nagmamasid at naghihintay

Habang tumutunog ang kampana ng St. Peter, milyon-milyong mananampalataya sa buong mundo

ang naghihintay sa paglabas ng bagong Santo Papa.

Ang desisyong nanaig sa Sistine Chapel ay makaaapekto sa mahigit 1.3 bilyong Katoliko — ganoon din sa mga usapin at ugnayan sa buong mundo hindi man kabilang sa Simbahan.

               Mataimtim ang mga sandali ng pagpili at paghihintay, ngunit masaya at punong-puno ng pag-asam. Nagsisimula ang bagong espirituwal na paglalakbay — hindi lamang sa nahirang na bagong Santo Papa, kundi pati sa buong Simbahang Katoliko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …