Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABIL
ni John Fontanilla

KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood actor na si Tom Cruise sa South Korea.

Lumipad si Alden pa-South Korea dahil naimbitahan ng Paramount Pictures para dumalo sa premiere night ng pelikulang Mission: Impossible The Final Reckoning na pinagbibidahan ni Tom.  

Sa isang interview kay Alden bago ang pagpunta sa South Korea, ipinahayag nito ang sobrang excitement sa pagdalo sa premiere night ng pelikula.

“We’re very privileged to have been invited by Paramount Pictures. Tayo rin ang mapalad na napili na Filipino delegate to attend the premiere night ng ‘Mission: Impossible The Final Reckoning.’”

Dagdag pa ng aktor, “I am a super fan of the franchise, I watched all of the ‘Mission Impossible’ movies.

“Grabe! Nang makipag-meeting pala ako with Paramount Pictures, na- express ko sa kanila ang alam ko about the film and how I look up to Tom Cruise being one of the best action stars of all time. Hopefully, one day, I can be like him,” pagbabahagi pa ni Alden.

Nang makita nga ng personal ni Alden si Tom napakatagal ng kamayan ng dalawa na siyempre pa malaking karangalan sa aktor iyon. Maka-face to face mo nga naman, makakamayan pa, at makausap. Iba talaga ang dating niyon. 

Bukod sa kamayan, may kuha pang naka-thumbs up si Alden at itinuro naman siya ni Tom. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …