Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
TRABAHO Partylist lalo pang umangat sa Pulse Asia Survey

TRABAHO Partylist lalo pang umangat sa Pulse Asia Survey

PITONG ARAW bago ang nakatakdang halalan, naglabas ang Pulse Asia Research, Inc. ng survey kung saan ipinakitang maluluklok sa kongreso ang TRABAHO Partylist (numero 106 sa balota).

Malugod na tinanggap ni Atty. Mitchell Espiritu, tagapagsalita ng 106 TRABAHO Partylist, ang resulta ng survey.

Ang lalo pang pag-angat ng 106 TRABAHO Partylist bilang rank 25 mula sa dating puwesto nito na rank 29 ay resulta ng kanilang taos-pusong representasyon sa mga manggagawa na naramdaman at nakita ng publiko sa kanilang mga isinagawang grassroots campaign mula Luzon hanggang Mindanao.

“Ang 106 TRABAHO Partylist ay hindi lamang magiging boses ng manggagawang Filipino, kundi magiging sandigan nila upang magsulong ng mga programang tutugon sa kanilang mga hinaing at pangangailangan,” pahayag ni Espiritu.

Ipinakita rin ng Pulse Asia na kabilang ang 106 TRABAHO sa tinatayang 46 partylist na mahahalal sa kongreso sa ilalim ng partylist system batay sa parehong survey na isinagawa 20-24 Abril 2025.

Para sa grupo, bukod sa pagreporma ng provincial wage rates, ang mga investment sa impraestruktura at pagpaparami ng trabaho ay dapat umaabot maging sa mga rehiyon sa labas ng NCR upang hindi na kailanganin mapalayo ng mga manggagawa sa kanilang mga pamilya.

Sa kabuuan, ang plataporma ng 106 TRABAHO ay nakatuon sa pagsusulong ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, karagdagang mga benepisyo, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …