Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng driver ng SUV na rumampa at bumangga sa entrance ng Ninoy Aquino International Airport, na ikinasawi ng dalawa katao, kabilang ang 5-anyos anak na babae ng isang paalis na overseas Filipino worker (OFW).

               Pahayag ni Aviation Security Unit-National Capital Region Chief Col. Cesar Lumiwes, wala sa ilalim ng impluwensiya ng alkohol o droga ang 47-anyos na driver nang maganap ang insidente sa NAIA Terminal 1 noong Linggo, 4 Mayo.

Dagdag ng opisyal, inihatid ng driver ang kaniyang amo sa Paliparan, umaga noong Linggo ngunit hind inaasahang mauuwi ito sa trahedya.

Unang sinabi ng driver na nagulat siya sa sasakyang sumingit sa kaniyang harapan ngunit pinasinungalingan ito ng kuha ng CCTV.

“‘Yun ang ini-clear naming especially tinanong kung pwede ba niyang i-recollect ang nangyari. Sabi niya nataranta and parang hindi na niya nakontrol. Ang inapakan niya ay hindi brake but ‘yung accelerator,” ani Lumiwes.

Dagdag ni Lumiwes, hindi maiiwasan ang pagkakamali sa pagmamaneho kung may pinagdaraanan ang driver at wala sa kondisyon upang magmaneho, gaya ng personal na problema, pagod, at minsan ay pressure mula sa mga guwardiya at traffic enforcers.

Maaari sanang maiwasan ang insidente kung napigil ng bollard ang sasakyan sa pagbangga sa entrance ng terminal.

“Hindi niya na-contain ‘yung impact which is ang purpose talaga no’n is for vehicle improvised implosive device, ‘yun ang purpose no’n. Ngayon hindi pala siya strong enough. Siguro ‘yun ang palalakasin, lalakihan so it can withstand para kung may ganitong insidente, it will serve its purpose,” dagag ni Lumiwes.

Samantala, ipinag-utos ng Malacañan ang pag-iimbestiga sa mga bollard sa NAIA matapos ang trahedya.

Nabatid na professional driver’s license ang hawak ng suspek at nagtatrabaho bilang company driver dito sa kasalukuyan at dati nang nagtrabaho sa ibang bansa.

Nahaharap ang driver sa dalawang bilang ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries and damage to property, na pawang maaaring piyansahan. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …