Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
George Royeca Vince Dizon DoTr Angkasangga Partylist

MC taxis pinayagan nang mag-operate ng DOTR

PINAGBIGYAN ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ni Angkasangga Partylist first nominee at transport advocate na si George Royeca na payagang magpatuloy ang operasyon ng motorcycle (MC) taxis habang hinihintay ang pagpasa ng isang permanenteng batas.

Ginawa ni Royeca, tumatayong CEO ng Angkas, ang panukala sa isang high-level meeting kasama ang mga opisyal ng DOTr, sa pangunguna ni Secretary Vince Dizon.

Matapos ang dayalogo, nangako si Dizon na maglalabas ng isang Department Order na magbibigay ng legal na proteksiyon sa operasyon ng MC taxi services hanggang maipasa ang naaayong batas.

“This is a victory for MC taxis and the thousands of riders who depend on it for their livelihood,” wika ni Royeca.

“Maituturing din itong panalo para sa libo-libong commuters na umaasa sa MC Taxi para mabilis na makarating sa kanilang trabaho at iba pang pupuntahan,” dagdag pa niya.

Sa naturang dayalogo, binigyang-diin ni Royeca ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na operasyon ng MC taxis para sa mga pasahero at driver, lalo sa Metro Manila kung saan siksikan ang trapiko at kinakailangan ang abot-kaya at mabilis na transportasyon.

“The permanent solution for the continuous operations of MC taxis would require congressional action, that’s why the DOTr is committed to working with our lawmakers to come up with viable solutions that greatly benefit both our riders and commuters,” wika ni Dizon.

Ngunit iginiit ni Dizon na kailangang sumunod ang mga MC taxi sa bagong Department Order kaugnay sa kaligtasan sa kalsada, gayondin sa umiiral na pamantayan sa roadworthiness at kalipikasyon ng mga driver.

Samantala, muling iginiit ni Royeca ang kanyang plano na isama ang motorsiklo sa pambansang transport plan, lalo’t libo-libong informal workers gaya ng mga tricycle driver, vendor, at freelancer ang umaasa rito para sa kabuhayan.

Muli rin niyang pinagtibay ang paninindigan ng Angkasangga sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng informal workers sa Kongreso at pagtugon sa mahahalagang isyu gaya ng pampublikong transportasyon, paglikha ng trabaho, at proteksiyon sa mga manggagawa.

Itinutulak ng Angkasangga ang mahahalagang reporma sa paggawa tulad ng paid sick leave, government-mandated benefits para sa informal workers, at accident insurance para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).  (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …