Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom money sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, kasama sa dinaluyan ng money trail ang 9 Dynasty Group at White Horse Club.

Ani Fajardo, ang nasa likod ng 9 Dynasty Group ay si Mark Ong na may Chinese name na Li Duan Wang.

Hindi ordinaryong casino ang 9 Dynasty dahil ginagamit ito para ipuslit at ‘pinaglalabadahan’ ng ransom money, drug money, at iba pang dirty funds.

Sinabing ilan sa mga kompanya ni Wang sa Filipinas ay konektado sa gaming, IT support, real estate, at cryptocurrency.

Hindi muna pinangalanan ng PNP ang nasa likod ng White Horse Club.

Bilang legal na aksiyon, ipare-revoke ng PNP ang junket operator’s Authority to Operate and Junket Agreement sa naturang mga Casino at ang pag-freeze ng pondong konektado sa kidnap-for-ransom o money laundering, kabilang ang mga digital o virtual assets.

Ibinunyag ni Fajardo na isinasagawa ng grupo ang kanilang mga transaksiyon sa pamamagitan ng mga app at website na walang malinaw na lisensiya mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Gumagamit din ang grupo ng over-the-counter (OTC) system upang hindi matukoy ang pinagmulan ng pera na ipinapasok sa kanilang operasyon.

Kaugnay nito, itinaas ng PNP sa P10 milyon ang pabuya para sa mga makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ni Wenli Gong, alyas Kelly Tan Lim, sinasabing co-mastermind sa krimen. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …