Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Trabaho Partylist

Para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulusan
TRABAHO PARTLIST, NANAWAGAN NG CALAMITY LEAVE

MATAPOS ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, para sa maayos na pamantayan sa calamity leave para sa mga naapektohang manggagawa bunsod ng pag-alboroto ng mga bulkang Kanlaon at Bulusan.

Layon ng panukalang calamity leave na mabigyan ng sahod ang mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor tuwing may kalamidad — sa panahon na hindi nila ginusto o mapipigilan — upang maitawid sa gutom ang kanilang mga pamilya sa pansamantalanf kalagayan.

Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang Alert Level 3 para sa bulkang  Kanlaon, lalo sa mga lalawigang Negros Occidental at Negros Oriental.

Nitong Lunes, sinabayan ang pagputok ng bulkang Bulusan ng 54 beses na paglindol kung kaya’t idiniin ng TRABAHO Partylist ang kahalagahan ng suporta kagaya ng calamity leave para sa mabilis na pagbangon ng ating mga kababayan.

“Ang mga natural na kalamidad tulad ng pagsabog ng bulkan ay hindi lamang banta sa buhay kundi pati na rin sa kabuhayan at kalusugan ng ating mga manggagawa,” pahayag ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist.

Giit ng TRABAHO, ang magkasunod na pagputok ng mga bulkang Kanlaon at Bulusan ay nagsilbing paalala sa kahalagahan ng mga patakarang tutugon sa kondisyon ng mga manggagawa tuwing sakuna at kalamidad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …