Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos ang matinding balita na “Mayor Jefferson Soriano is Back!”

At hindi lang basta nagbabalik dahil may grand comeback ang nangyayari ngayon sa Tuguegarao.

Matatandaang natalo si Soriano ni Maila Ting-Que noong 2022 pagtapos nitong mamuno nang siyam na taon, si Maila ang kauna-unahang babaeng Mayor ng lungsod.

Sa nagaganap na caucus, dinadagsa ng napakaraming tagasuporta gabi-gabi para sa kampanya ni Mayor Soriano, na muling tumatakbo para sa puwestong mayor.

“Iba talaga noong si Soriano ang nakaupo… malalapitan at makatao!” sigaw ng isang tagasuporta mula Barangay Carig.

Kahit mainit, hindi naging hadlang ang pagdami ng mga supporters, may dumarayo pa raw mula Ilocos at Isabela, bitbit ang paniniwalang si Soriano ang mas karapat-dapat mamuno sa Tuguegarao City.

Kaya naman ang kalabang politiko ay napailing at panay parinig sa social media tungkol sa alyansang Team Tuguether ni Jefferson Soriano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …