Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zsa Zsa Padilla Through The Years

Zsa Zsa napahanga sa kanyang robotic surgery

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

TWO years ago pa pala ang 40th anniversary ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa entertainment industry. Magkakaroon sana siya noon ng isang concert subalit hindi natuloy dahil nagkaroon siya ng problema sa kalusugan.

Kinailangang harapin at unahin ni Zsa Zsa ang kalusugan na nakuha niya since birth.  Ipinanganak pala ang singer na may mega ureter. Ang kaliwang ureter niya ay kasinglaki ng sausage na dapat ay manipis na tubular structure. Ang kanang ureter naman niya ay normal.

Dahil sa kondisyon, paulit-ulit ang pagkakaroon niya ng UTI (urinary track infection) at naging regular na ang pag-inom niya ng antibiotic.

Taong 2007 nang ma-diagnose siya ng naturang sakit kaya kinailangan niyang sumailalim sa dalawang klase ng surgery. Inoperahan siya noong 2007 matapos gawin ang pelikulang Zsa Zsa Zaturnah na nagkaroon ng impeksyon kaya kinailangan niyang uminom ng antibiotic.

Nagkaroon din siya ng (pee) reflux at ang pag-andar ng kanyang kaliwang bato ay mas mababa kaysa karaniwan. Dapat ay magpapaopera na siya noong 2024 sa America subalit sinabihan siyang ‘wag muna. 

At sa Singapore siya nakakuha ng kasagutan para maayos ang naturang problema. Rito siya ginawan ng robotic operation.

Ani Zsa Zsa wala siyang naramdamang sakit  at mabilis ang kanyang paggaling. Sobra ngang na-amaze si Zsa Zsa sa robotic surgery na isinagawa sa kanya. Kaya ngayon, handang-handa na siyang sumabak para sa kanyang 42nd anniversary concert.

Masayang-masaya si Zsa Zsa sa pagbabalik sa live stage para sa kanyang Zsa Zsa: Through The Years sa May 17 sa Samsung Performing Arts Theater sa Ayala Malls Circuit Grounds, Makati.

Sinabi ni Zsa Zsa na tiyak marami ang matutuwa sa pagbabalik-stage niya na naka-miss din sa kanyang mga awitin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …