Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MTRCB QCPTA QC Quezon City

MTRCB at QCPTA, nagpulong para sa pagsusulong ng Responsableng Panonood at mga klasikong pelikula para sa mga kabataang QCitizens

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BUMISITA at nagbigay kortesiya ang grupo ng Quezon City Parents-Teachers Association (QCPTA) sa tanggapan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio nitong Lunes, Abril 29, upang talakayin ang posibleng kolaborasyon para sa responsableng panonood.

Sa kanilang dayalogo, nagpahayag ng interes ang QCPTA sa pagsasagawa ng mga serye ng “Responsableng Panonood” seminars, ang pangunahing programa ng MTRCB na idinisenyo para tulungan ang mga magulang na magabayan ang mga bata sa paggamit ng media at maintindihan ang kahalagahan ng angkop na content.

Napag-usapan din ang posibilidad ng pagpapalabas ng mga klasikong pelikula sa mga estudyante ng Lungsod Quezon.

Planong isagawa ang mga ito sa iba’t ibang distrito ng Lungsod Quezon, sa pakikipagtulungan ng mga lokal na paaralan.

Binigyang-diin ni Sotto-Antonio ang kahalagahan ng pagpapalakas ng kaalaman ng mga magulang at nakatatanda sa responsableng paggabay sa mga kabataan lalo na’t malawak na ang paggamit ng media sa ating panahon.

“Malaki ang impluwensiya ng media sa paghubog ng pag-uugali ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng kolaborasyon ng MTRCB at QCPTA, nais nating maipabatid na ang responsableng panonood ay nagsisimula sa tahanan at mapapalawak pa hanggang sa mga komunidad,” pahayag ni Sotto-Antonio.

Nagpasalamat ang QCPTA sa MTRCB dahil sa mga programa nito na posibleng makapagpatibay sa relasyon ng bawat pamilyang Filipino at maiangat ang kamalayan ng mga magulang, guro at estudyante pagdating sa mga klasikong pelikula.

Patuloy na tinitiyak ng MTRCB ang mas pinalakas pang pagsusulong ng “Responsableng Panonood” bilang misyon ng ahensiya na maseguro ang isang ligtas at masayang panood ng pamilyang Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …