Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arnold Vegafria David Licauco

Manager ni David Licauco may calling magsilbi sa mga taga-Olongapo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MATAGUMPAY na talent manager si Arnold Vegafria pero alam niyang hindi lamang sa pag-aalaga ng mga artista ang kanyang calling, kundi sa pagtulong lalo na sa kanyang mga kababayan.

 Kaya naman bilang manager ng mga artista, ngayo’y magiging manager na ng bayan ang talent manager at may-ari ng ALV Entertainment sa pagtakbo bilang mayor ng Olongapo.

Aware si ALV na mahirap ang politika, in fact, ito ang ikalawang beses niyang pagtakbo  na noong una’y hindi siya pinalad. Pero dahil talagang gusto niyang makatulong sa kanyang mga kababayan, muli niyang susubukin ang kapalaran para maging mayor ng Olongapo. 

Aniya, mas desidido na siyang mag-focus sa public service na dama niya ay kanyang “calling.” 

At suportado si ALV ng kanyang mga alaga lalo na ang Pambansang Ginoo na si David Licauco. Sinorpresa nga si Arnold ni David nang dumalo kamakailan sa isang rally sa Gordon College na dinumog ng humigit kumulang sa 10,000 supporters ng tinatawag na ngayong, Manager ng Bayan. 

“I didn’t expect na darating siya,” ani Arnold nang humarap kamakailan sa Pandesal Forum na pinangangasiwaan ni Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery Cafe.

Todo rin ang suportang ibinibigay kay ALV ng ilang beauty queens bilang ito ang official franchise holder ng Miss World Philippines at Miss Grand Philippines pageants.

Ani ALV sa gaganaping Miting de Avance niya sa May 9 sa Magsaysay Drive, sentro ng kanyang rehabilitation drive para maging progresibo’t major tourism destination muli ang Olongapo. “For now, itong election na ito, beauty queens, they helped me. They’re always there everytime I need their support. Pero siguro ’yung aking Miting de Avance, baka nandiyan ’yung ibang mga artist ko. But I don’t expect.

“Kasi nga ang konsepto ko is to revive ang Magsaysay Drive which is the main tourism industry ng Olongapo and I want to show to them na, you know, that I’m serious of doing… ayusin natin ang entertainment ng Olongapo,” sabi pa ni Arnold.

Kabilang din sa key advocacies niya sa mayoral bid ang job generation, revitalization of economic zones, health prioritization, educational reform, infrastructure and transportation modernization, environmental protection, sports, arts and cultural development, flood control, waste management, reduction of electrical/power charges at anti-drug campaign.

Bukod kay David supporters din ni ALV ang celebrity vlogger na si Small Laude at ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez.

Idinagdag pa ni ALV na maibabalik niya ang glory days ng kinalakihang probinsya na nakilala bilang “Cradle of Pinoy Rock” noong dekada ’70. 

“This is my most fervent wish, to bring back the glory days of Olongapo City the way I remember it best,” aniya.

All we need to do is to revitalize our industrial infrastructure and attract foreign investors and tourists to stimulate economic boom. I know that it won’t be an easy task, but I am confident that with our team’s dedication, we can rebuild this city and bring back the economic and tourist boom that our city enjoyed during the time of the U.S. naval bases,” wika pa niya.

Sakaling magwagi bilang mayor, hindi naman niya  tatalikuran ang showbiz industry.

“Hindi lang talent management ang ginagawa ko. Marami pa akong ibang negosyo, mas marami pa kaysa entertainment. But this time, babawasan ko ang business at magpo-focus bilang public servant at entertainment business because hindi ko iiwanan ang entertainment business dahil dito ako nagsimula, rito ako nakilala at dito ako nirespeto ng mga tao because of the entertainment industry.”

Talagang all-out na ang businessman-talent manager na si Arnold para maging Manager ng Bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …