Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte

Kaya nag-endoso ng kandidatong senador
VP SARA ‘TAGILID’ SA IMPEACHMENT

050225 Hataw Frontpage

NANINIWALA ang abogadong si Atty. Antonio Bucoy na nararamdaman ni Vice President Sara Duterte na tagilid siya sa isinampang impeachment complaint laban sa kanya sa Senado kung kaya’t kailangan niyang mag-endoso ng mga kumakandidatong senador.

               Si Bucoy ay miyembro ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism (MABINI).

Ayon kay Bucoy, maliwanag na indikasyon ito na walang kasiguruhan kung makaliligtas sa reklamong impeachment na isinampa laban kay VP Sara.

Tinukoy ni Bucoy na pito sa article of impeachment ay maaari niyang ilahad sa tatlong kaso o usapin, una ay pagbabanta sa buhay ng Pangulo, Unang ginang at Speaker of the House; ikalawa ay ang pag-abuso sa kapangyraihan at public trust; at ang ikatlo ay ang malawakang katiwalian, pandarambong, at malversation sa kaban ng bayan.

Iginiit ni Bucoy na nakasalalay dito ang kabuhayan ng bawat Filipino na lubhang naapektohan ng mga nasabing usapin.

“There should be economic justice to attain, there must ba an accountability… dapat magkaroon ng pananagutan,” giit ni Bucoy sa isang panayam.

Naniniwala si Bucoy na mayroong sapat na ebidensiya ang Kamara upang patalsikin ang ikalawang pangulo.

Hindi nagtataka si Bucoy na mayroong isang senador na naghahayag ng pagsuporta sa mga inendosong kandidato ni Duterte ngunit kanya itong itinuturing na plataporma lamang.

“Dapat ang plataporma ay ‘yung ikabubuti ng mamamayan at hindi ng isang tao,” paglilinaw ni Bucoy sa isang panayam.

Inilinaw ni Bucoy hindi rin maaaring ikompara ang mga Marcos sa isyu ng mga korupsiyon at katiwalian sa mga Duterte dahil ang mga kaso ng Marcos ay nililitis na at ang iba rito ay pawang naibasura na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …