Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cagayan De Oro Mayor Klarex Uy kinuwestiyon sa P330-M cash advances

050125 Hataw Frontpage

HATAW News Team

‘UNDER HOT WATER’ si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo ng pagwawaldas ng pondo ng lokal na pamahalaan na aabot sa P330 milyones sa pamamagitan ng mga ginawang cash advances.

Sa isang press conference sa Cagayan de Oro City ibinunyag ni Teddy Sabuga-a, siyam-na-taon nagsilbi bilang dating City Administrator ng Cagayan de Oro na ang “massive cash advances” na ginawa ni Uy sa pagitan ng 2022 hanggang unang buwan ng 2025.

“If you review the matrix of cash advances by date, you’ll notice a pattern – significant amounts were drawn in September 2023, conspicuously timed around the barangay elections,” pahayag ni Sabuga-a, kasabay ng pagpapakita ng isang matrix ng cash advances sa isinagawang press conference.

Sinabi ni Sabuga-a, nakababahala ang serye ng cash advances sa loob ng City Hall dahil nagpapakita ito ng maling paggamit ng pondo ng LGU, mahinang pamamalakad at paglabag sa procurement laws.

“The records show repeated high-value transactions concentrated among a small group of personnel, with some individuals receiving over 20 separate cash advances. One person alone was given P71.7 million.”

Batay sa official documents na inilabas ni Sabuga-a, ang bulto na nakatanggap ng disbursements na P25 milyon hanggang P71 milyon ay tinukoy na sina Cyril Ranile, Jade Adeser, Xsyclyn Faith Lumbatan, Jasmin Maagad, Rhapsody Gaabucayaan, Mark Kenneth Jalapadan, Remy Labiano, at Sheila Lumbatan.

“This is highly irregular. The cash advance systems is meant for urgent, specific needs – not for repeated multi-million peso disbursements concentrated among a few individuals,” giit ni Sabuga-a.

Ilan pa sa nadiskubre ay ilang indibiduwal ang nakatanggap ng cash advances nang 20 beses, mayroong tseke na P20 milyon at P26 milyong cash advances na isang araw lamang ini-withdraw at ang pondo na sinasabing pinaglaananan ng disbursement ay pawang kuwestiyonable.

Alinsunud sa COA Circular No 97002 at Republic Act 9184 (Procurement Law), ipinagbabawal ang palagiang paggamit ng cash advances at kailangan ang agaran nitong liquidation.

Umapela ang ilang opisyal ng LGU at ilang watchdog groups sa Commission on Audit (COA) na repasohin ang liquidation reports gayondin ang pagsusulong ng kasong administratibo at kriminal laban sa alkalde.

“Every peso entrusted to public officials must be accounted for. The people of Cagayan de Oro deserve full transparence and accountability,” dagdag ni Sabuga-a.

Inihahanda na ang reklamo laban kay Uy sa Office of the Ombudsman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …