Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bam Aquino Anne Curtis Janine Gutierrez

Isa pang ‘Diyosa’ suportado pagka-senador ni Bam Aquino


ISA pang “Diyosa” ang nagpahayag ng suporta sa pagka-senador ni dating Senador at independent candidate na si Bam Aquino.

Gaya ng kanyang kapwa “Diyosa” na si Anne Curtis, kabilang na rin si Janine Gutierrez sa mga maka-Bam Aquino. Nag-share si Janine sa Instagram Story niya ng isang video ng isang ina na nagpapasalamat kay Sen. Bam para sa pagpasa ng Free College Law.

Sa naturang video, isang nanay ang nagpasalamat kay Bam para sa batas na nakatulong sa kanyang anak na makapagtapos ng nursing mula sa Bataan Peninsula State University (BPSU). 

Nagpapasalamat po ako kay Senator Bam Aquino. Dahil po sa kanya, nakatapos po ang anak ko ng nursing,” sabi ng nanay kay Bam nang bumisita ang senador sa Balanga Public Market sa Balanga, Bataan.

Tulad ni Anne, tinaguriang “Diyosa” rin si Janine ng kanyang fans at entertainment writers dahil sa kanyang mga nakabibighaning pictorials.

Matagal nang nagpapahayag ng suporta si Anne para kay Bam sa kanyang social media accounts. Nag-repost ang aktres ng panawagan ni Bam sa mga botante sa X (dating Twitter) at idinagdag ang caption na “Number 5” — na siyang numero ni Bam sa balota.

Sa ‘di inaasahang pagkakataon, nagkita sina Anne at Bam sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 na personal na nakausap ng aktres ang senador.

Nagparetrato si Anne kay Bam at nag-flash ng No. 5 sign para gawing mas matindi o mas malakas ang endorsement. Sa caption ng photo, inilagay ni Anne,  “Bumped into someone I am voting for!”

Nasa Top 12 na si Bam sa mga survey ng Pulse Asia, WR Numero, at OCTA Research.

Nakakuha si Bam ng 28.6 percent rating sa Pulse Asia survey; mula sa ika-15 hanggang ika-17 sa ranking noong Pebrero, tumalon na siya sa spot sa Magic 12.

Pang-12 din si Bam sa pinakahuling WR Numero survey na nakamit niya ang 26.4 rating. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …