Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid Coco Martin

Coco, Lito nag-motorcade sa ilang palengke sa QC

MULING nagkasama sina Supremo Senador Lito Lapid at Coco Martin sa isinagawang 

motorcade sa ilang palengke sa Quezon City nitong Linggo, April 27.

Nauna rito, nagsama na sina Lito at Coco sa motorcade sa Cavite matapos mapatay ang karakter ni Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo, isang araw bago ang campaign period.

Mainit naman ang pagsalubong ng mga residente  sa lungsod sa pag-iikot ng dalawang action superstars sa Batang Quiapo, na parehas nilang ikinagalak.

Nakatataba ng puso ang mainit na pagsalubong at pagyakap sa akin ng mga kababayan natin dito sa Quezon City. Ang pagmamahal at suporta nila ay susuklian ko ng tapat at malinis na paglilingkod,” ani Lito.

Sa isang panayam, nangako si Lito na uunahin ang pagkakaloob ng libreng mga gamot at libreng pagpapa-ospital sa mga mahihirap na senior citizen kapag nanalo sa midterm elections sa May 12.

Dagdag pa ni Lito, marapat lang na mabigyan ng kaginhawaan ang mga senior citizen na matagal nang nagserbisyo sa lipunan.

Si Lito ay isa sa mga may akda ng Expanded Senior Citizens Law o Republic Act No. 10645 na nagbibigay ng mandatory membership sa PHILHEALTH ng mga senior citizen.

Dagdag pa ni Lito, layunin ng batas na ito na masakop na ang mga lolo ar lola ng Philhealth pagdating sa edad 60. (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …