Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Chinese spy suspect nasakote malapit sa Comelec Intramuros

ISANG pinaghihinalaang Chinese spy ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI), na nakuhaan ng ‘spy equipment’ sa loob ng sasakyan na nakaparada malapit sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila, kahapon ng hapon, Martes, 29 Abril.

Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, pinag-aaralan ang kasong paglabag sa Espionage Law at Data Privacy Act si Tak Hoi Lap kaugnay ng Cybercrime Law.

Nakuha sa kanyang sasakyan ang isang International Mobile ­Subscriber Identity (IMSI) catcher na gamit sa paniniktik o eavesdropping at pag-intercept ng mga mobile phone pati na rin ang pagsubaybay sa mga datos at lokasyon ng mga gumagamit ng mobile phone.

Sinabi ni Lavin, matagal nang inoobserbahan sa lugar ang sasakyan ni Lap na unang na-monitor na umiikot sa Taguig at Makati City.

Hindi inaalis ni Lavin ang posibilidad na magamit ang nasabing equipment sa midterm elections, kaugnay sa hinalang panghihimasok ng China sa halalan ng bansa.

Nagsasagawa ng inventory ang National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) kaugnay nito.

Inilagak sa NBI-National Capital Region (NBI-NCR) office ang suspek at ang mga nasamsam na ebidensiya kabilang ang spy equipment para magsasagawa ng pagsusuri ukol dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …