Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Batangas Money

Batangas SP iimbestigahan educational aid sa lalawigan

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala ang Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas sa estilo ng pagkaltas sa educational assistance ng mga estudyante ng lalawigan.

Nakatakdang magsagawa ng imbetigasyon ang Committee on Education, Committee on Appropriations, at Committee on Youth ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw (Miyerkoles) ukol sa ibinulgar na anomalya ni Board Member Alfredo Corona.

Sa kanyang privilege speech, kinondena ni Corona ang sistema ng pagkaltas ng educational assistance sa mga estudyante ng lalawigan.

Batay sa post, may nakalaang P190 milyon para sa mga scholar ng lalawigan. Sa P5,000 kada scholar, lumilitaw na nasa 38,000 ang scholars ng Batangas.

Ayon sa source ng video, nasa P1,500 umano ang kinukuhang kickback mula sa P5,000 financial assistance sa scholars. Tinatayang katumbas ito ng P57 milyong kickback kada taon.

“Maipaliliwanag ba ni Gob (Mandanas) ang nakapanghihinalang galawang ito sa Kapitolyo?” sabi pa sa video.

Hinala ng nag-post ng video, matagal na itong ginagawa sa liderato ni Mandanas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …