Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

89-anyos beteranong mamamahayag, pinaslang sa Kalibo

043025 Hataw Frontpage

HATAW News Team

BINARIL at napaslangang chairman emeritus ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) na si Juan Dayang, 89 anyos, sa kanyang tahanan sa Casa Dayang, Villa Salvacion, Kalibo, Aklan, dakong 8:00 pm kagabi, Martes, 29 Abril.

               Si Dayang, prominente at iginagalang sa media industry, ay iniulat na nanonood sa telebisyon nang isang armadong lalaki, nakasuot ng bonnet, ang nagpaputok nang tatlong beses sa labas ng kanyang bahay.

               Tinamaan ng bala ang biktima sa leeg at dalawa sa likod. Idineklarang dead on arrival si Dayang sa Dr. Rafael S. Tumbocon Memorial Hospital dakong 8:33 pm.

Ayon sa tagapangalaga ni Dayang, kinilalang si Marjorie Yap, dakong 9:00 am kahapon, dalawang hindi kilalang lalaki, kapwa nakasuot ng bonnet, ang nakitang sakay ng motorsiklo malapit sa bahay ng biktima.

Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente kabilang ang pagrepaso sa CCTV footages upang makilala ang mga suspek. Wala pang malinaw na motibo ang pamamaslang bagama’t sinisilip ang lahat ng anggulo kaugnay ng insidente.

               Sa loob ng ilang dekadang karera sa larangan ng media, si Dayang ay halos 20 taong nanilbihan bilang presidente ng PAPI, na nag-iwan ng hindi mabuburang marka sa organisasyon at sa industriya ng paglilimbag.

               Hindi lamang sa PAPI, malaki ang kontribusyon ni Dayang, naging presidente rin siya ng Manila Overseas Press Club, dating director ng National Press Club, at founding president ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines.

Kasalukuyang Secretary ng Catholic Mass Media Awards si Dayang bago siya paslangin.

               Noong panahon ng yumaong Pangulong Corazon Aquino naging alkalde siya ng Kalibo, ang kapitolyo ng lalawigang Aklan.

Si Dayang, ayon sa kanyang mga kasamahan ay malaking kawalan sa media at sa political landscape ng bansa.

“We strongly condemn this killing, and we are calling for justice. Hindi niya deserved ang cruel and senseless end,” pahayag ng kasalukuyang PAPI President na si Nelson S. Santos.

               Aniya, hiniling ng PAPI sa Presidential Task Force on Media Security (PFTOMS) at sa kahanay na awtoridad na imbestigahan ang pagpaslang kay Dayang, tukuyin ang mga salarin, at utak sa likod nito, at panagutin sa ngalan ng hustisya.

“We join the entire media community in demanding justice for our Chairman Emeritus and his family. We also extend our deepest condolences to his family and loved ones,” dagdag na pahayag ni Santos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …