Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ronald Dableo Chess

Dableo, pangalawa sa Sydney standard tournament

NAGTAPOS bilang ikalawa si International Master Ronald Dableo ng Filipinas sa Sydney International Open 2025 Standard chess tournament na ginanap noong 23-27 Abril 2025 sa Novotel West HQ, Conference Room sa Sydney, Australia.

Mas pinahusay ni Dableo, tubong Sampaloc, Maynila, ang kanyang performance matapos siyang mag-third place sa blitz chess tournament kamakailan.

Ang head coach ng multi-titled University of Santo Tomas (UST) chess team ay nagtapos ng siyam na rounds na may kabuuang 7 puntos, mula sa anim na panalo, dalawang tabla, at isang talo — kasunod ng kampeon na si Grandmaster Guha Mitrabha ng India na nakakuha ng 7.5 puntos.

Si Dableo, isa sa mga pangunahing manlalaro ng Philippine Army chess team, ay tumaas ng 13.2 puntos sa kanyang ELO standard chess rating, mula sa 2362 paakyat sa 2376.

Nakakuha na si Dableo ng tatlong (3) grandmaster norms ngunit kailangan pa niyang itaas ang kanyang live rating mula 2376 hanggang 2500 upang makompleto ang kanyang Grandmaster (GM) title.

Tinalo ni Dableo sina Michael Steadman ng New Zealand at FM Jason Hu ng Australia sa unang dalawang rounds.

Naputol ang kanyang winning streak nang magtabla siya kay Tejas Datar ng Australia sa ikatlong round.

Nanalo si Dableo laban kay FM Felix Xie ng New Zealand sa ikaapat na round ngunit natalo kay GM Mitrabha sa ikalimang round.

Bumawi si Dableo sa ikaanim na round nang talunin niya si FM Anna-Maja Kazarian ng Netherlands, at muling nagtala ng tabla laban kay GM Jacek Stopa ng Poland sa ikapitong round.

Tinapos ni Dableo ang torneo sa pamamagitan ng dalawang magkasunod na panalo kontra kina FM Sterling Bayaca ng Australia (Round 8)at GM Sayantan Das ng India (Round 9).

Nagtabla sina GM Das at GM Zhao Zong-Yuan ng Australia para sa ikatlo hanggang ika-apat na puwesto na may tig-6.5 puntos, habang sina FM Reyaansh Chakrabarty ng Australia at IM David Cannon ng Australia ay nagtapos sa ikalima hanggang ikaanim na puwesto na may tig-6.0 puntos.

Kinompleto ng mga sumusunod ang Top 10:

Ika-7: IM Gary Lane ng Australia (5.5 puntos)

Ika-8: GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng Pilipinas (5.5 puntos)

Ika-9: CM Hu Yifei ng Australia (5.0 puntos)

Ika-10: FM Felix Xie ng New Zealand (5.0 puntos)

“Kalalapag lang dito sa Manila International Airport galing Sydney, Australia! Salamat sa Diyos sa ligtas na biyahe at proteksiyon, kasama ang aking asawa na si Tara, at sa matagumpay na 5 araw ng Sydney International Open Tournament — Blitz (3rd place) at Standard event (2nd place).

“Lubos kong pinasasalamatan ang komunidad ng mga Filipino chess players sa Sydney at Blacktown/Rooty Hill, Australia.

Napaka-accommodating nila at solid ang samahan — naglaan sila ng oras para dumalaw at sumuporta sa amin sa tournament, nagpakain pa ng lunch o dinner, at may mga pampasalubong pa para sa amin pauwi ng Filipinas.

“Nag-host pa ng despedida at karaoke party si Sir Allan Laurente sa kanilang bahay.

“Maraming salamat kina Sir Allan Laurente, Sir Ronald Manila, Sir Levi Descallar, Elize Cafirma, Jesson Montenegro, Jowenn Lua, Don Anji (Angelito Camer), Johnny Teves at Ronald Edejer Nonles . To God be the glory,” isinulat ni Dableo sa kanyang Facebook account na “Ro Nald.”

Samantala, nagtapos sa ika-21 puwesto si Ronald Nonles sa Challenger section na may 5.0 puntos, habang sina Johnny Miranda Teves ay nasa ika-43 puwesto na may 5.0 puntos, at IM Jose Efren Bagamasbad sa ika-51 puwesto na may 4.5 puntos.

Nasungkit ni WFM Supreetha Potluri ng India ang kampeonato sa Challenger section matapos makalikom ng 7.5 puntos.

Ang 9-rounds Swiss system tournament ay inorganisa ni G. Winston Zhao Chen, Pangulo at Webmaster ng Rooty Hill Chess Club. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …