Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ballsy Aquino-Cruz Bam Aquino

Panganay nina Ninoy at Cory, inendoso si Bam Aquino bilang senador: Marami pa siyang maitutulong

PORMAL na inendoso ni Ballsy Aquino-Cruz, panganay na anak nina dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino at kapatid ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, ang kandidatura ng kanyang pinsan na si dating Senador at independent senatorial candidate Bam Aquino.

Sa darating na halalan, muling humihingi ako ng tulong sa inyo.  Iyong pagmamahal na ipinaramdam ninyo kay Ninoy, kay Cory, kay Noy at sa buong pamilya namin sa mahabang panahong magkakasama tayo, ang hiling ko po, sana iparamdam natin kay Bam,” wika ni Ballsy sa isang endorsement video.

Marami pa siyang maitutulong sa ating lahat. Kaya sana po ibalik natin siya sa Senado. Number 5 sa balota, Senator Bam Aquino,” dagdag pa niya.

Ayon kay Ballsy, bata pa lang si Bam – na kilala sa kanilang pamilya bilang Bam-Bam– ay kasama na nila ito sa mga protesta para maibalik ang kalayaan ng bansa kasunod ng pagkamatay ni Ninoy.

Anim na taong gulang siya noon, galing school, pupunta siya sa mga mini-caucus para humingi ng hustisya sa pagkamatay ni Dad,” wika ni Ballsy.

Tumulong din si Bam sa kampanya ni dating Pangulong Cory sa pagkapangulo.

Aniya, lumaki si Bam dala ang pagiging matulungin sa kapwa, na kanyang ipinagpatuloy bilang youth leader, social entrepreneur, hanggang maging senador.

Nang maging senador siya noong pangulo si Noy, ang mahihirap at maliliit na negosyo ang kanilang tinutukan. At ipinaglaban niya na maging libre ang edukasyon para sa lahat ng Filipino. Ngayon, libre na ang kolehiyo!” wika ni Ballsy.

Nagbalik kamakailan si Ballsy sa kanilang bayan sa Tarlac para ikampanya si Bam. Nag-palengke run siya sa Tarlac Public Market sa Tarlac City, na namigay ng tarpaulin, sticker at leaflet, at nakipag-usap sa mga tindera at mga namimili ukol sa mga nagawa ni Bam at mga gagawin pa kapag nakabalik sa Senado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …