Thursday , May 15 2025
Ramil Ventenilla Michael Mon Rosette Punzal Kenaz Bautista

Isinangkot sa mga kaso ng katiwalian
Mangatarem Mayor, VM, at municipal accountant  inireklamo sa Ombudsman

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso sa Tanggapan ng Ombudsman sina Mangatarem, Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, Vice Mayor Michael Mon Rosette Punzal, at municipal accountant Kenaz Bautista batay sa reklamo ni Ricardo Bachar Luciano, Jr., isang taxpayer sa nasabing munisipyo.

Kabilang sa kasong isinampa laban sa tatlo ay  malversation of public funds, misappropriation with consent, negligence, technical malversation, paglabag sa local government code na may kaugnayan sa tax rules, paglabag sa government accounting manual code ng Filipinas, paglabag sa procurement law, at paglabag sa code of ethical conduct of the public officers.

Batay sa nilalaman ng reklamo at mga ebedensiyang isinumite ni Luciano sa Ombudsman, nabigo ang mga respondents na pansinin ang rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) sa loob ng 2020 hanggang 2023 na papanagutin ang taong nabigong ideposito ang kaban ng bayan sa banko at sa halip ay nilustay ito.

Sinabi ni Luciano ang kawalang aksiyon ng tatlo ay nagresulta ng maramihang pagkawala ng pera sa kaban ng bayan.

Tinukoy ni Luciano na maging ang program of work para sa konstruksiyon ng General Services Office (GSO) building at warehouse na mayroong kontratang P1,998,030.87 ay hindi man lamang napapakibangan at nagagamit sa loob ng mahigit isang taon na.

Hindi kasi kombinsido si Luciano na hindi alam ng tatlong inaakusahan niya ang ginagawang hakbangin ni Municipal Officer in Charge Treasurer Alex Carpio ukol sa kaban ng bayan gayong ito ay bahagi ng kanilang command responsibility.

Ipinunto ni Luciano ang kapangyarihan ng mga respondent na tiyaking ang pera o kaban ng bayan ay nagagamit nang tama para sa nararapat paggamitan bagay na nabigo nilang gawin.

Lumalabas din sa hawak na dokumento ni Luciano na  umaabot sa halos P19 milyon ang several disallowances at audit suspensions nang hindi pa rin maipaliwanag hanggang sa kasalukuyan mula sa taong 2020 hanggang 2023.

Batay sa mga hawak na ebedensiya ni Luciano lumalabas na hindi nagdeposito sa banko para sa kaban ng bayan, nagkaroon ng shortage at over statements ang mga proyekto at pondo ng mga opisyal.

Tinukoy ni Luciano na noong taong 2020 ay hindi naipamahagi ang parte ng mga barangay sa Real Property Tax (RPT) na umabot sa P4,161,904.26.

Ipinagtataka ni Luciano kung paanong nangyari na ang kuwenta sa mga business taxes ng munisipyo ng Mangatarem ay mas mababa pa sa  actual gross receipts na hindi akma sa Local Revenue Code ng mga LGU na nagresulta sa under assessment at under collection ng business taxes na umabot sa P233,825.28.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …