Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gwen Garci

Gwen Garci, retired na sa pagpapa-sexy!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAPAPANOOD ngayon si Gwen Garci sa TV series na “Lolong” ng GMA-7, na tinatampukan ni Ruru Madrid. Bukod dito, isa rin ang aktres sa casts ng pelikulang “Isolated”, starring Joel Torre, Yassi Pressman, at iba pa.

Medyo nagpahinga si Gwen, ayon sa aktres. Dahil daw naging Estrikto ang BIR sa ginagamit niyang resibo.

Esplika ng dating member ng Viva Hot Babe, “Ang tagal ko rin nawala, kasi iyong resibo ko may problema rati, hindi kasi siya sa entertainment. At naging strict sila sa BIR na kailangan entertainment actor ang nakalagay sa resibo na gamit mo.

“Kaya inayos ko muna, strict sila now. Dapat ang resibo ay entertainment or actor. Hindi puwedeng for real estate or ‘di pwedeng gamitin mo iyong ibang resibo.”

Game pa rin ba siyang magpa-sexy sa movies? “Hahaha! Parang tapos na ako roon, e,” nakatawang tugon ng aktres.

Ayaw na ba talaga niyang magpa-sexy sa pelikula o depende ito kung maganda ang project na io-offer sa kanya?

“Palagay ko, parang kailangan na nating ibigay sa mga bagets iyan, hahaha!” Pahalakhak na bulalas pa ni Gwen.

Nabanggit din niya ang role na ginagampanan sa Lolong.

“Ang role ko sa Lolong, ako ‘yung may-ari ng beerhouse na roon nagtatrabaho si Elle Villanueva, isa siya sa mga alaga ko. At isa rin akong mamasang dito, na isang babaeng bakla,” nakangiting sambit niya.

Sino ang madalas niyang kaeksena rito? Aniya, “Si Elle Villanueva at si Ruru Madrid.”

Ayon pa sa aktres, mababait at okay katrabaho ang co-stars niya sa Lolong.

“Lahat naman sila mababait, Lalo na si Ruru… so wala naman akong masasabing hindi okay dito.”

Inusisa rin namin siya hinggil sa kanilang pelikulang Isolated.

Aniya, “Pang-16 and up ito… iyong role ko rito ay isang battered wife na sa sobrang frustration, iyong ginagawa sa akin ng asawa ko ay ginagawa ko naman sa anak ko. At iyon ‘yung ginagampanan ng batang Joel Torre.”

Saan siya mas nag-e-enjoy, sa TV or movies? Anong role na natotoka sa  kanya ang mas gusto niya?

Tugon niya, “Sa TV ako mas nag-e-enjoy. Bakit? Kasi, mas mahaba siya, hindi gaya ng movies, saglit lang. Kumbaga, after napanood sa sinehan, iyon na iyon, tapos na.”

Pahabol pa ng aktres na super-sexy pa rin, “Enjoy ko rin naman ang gumawa ng comedy…”

May dream role pa ba siya na wish magampanan?

“Siguro iyong isang psycho role o kaya ay isang action project ang gusto kong gawin. Kasi, matagal na akong hindi nakaGagawa ng project na action,” pahayag pa ni Ms. Gwen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …