Thursday , May 15 2025
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni Pangulong Ferdinand “PBBM” Marcos Jr., partikular sa mga proyektong kaugnay ng pagpapaunlad ng mga pantalan, na layuning magbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Filipino.

Kamakailan lamang ay pinasinayaan ni PBBM ang ₱430.39-milyong Balingoan Port Expansion Project sa Misamis Oriental, na nagpapakita ng determinasyon ng pamahalaan para magtayo ng mga impraestrukturang inuuna ang kaginhawahan, seguridad, at pag-unlad ng mamamayan.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, “Ang pagpapalawak at modernisasyon ng ating mga pantalan ay hindi lamang para sa pagpapabuti ng transportasyon at kalakalan. Ito ay tungkol sa paglikha ng mga trabaho at pag-angat ng kabuhayan ng ating mga manggagawa.”

Binigyang-diin ng grupo na ang pagpapahusay sa mga pasilidad ng pantalan ay nagbubukas ng mas maraming aktibidad sa ekonomiya na makalilikha ng trabaho sa iba’t ibang sektor tulad ng logistics, turismo, at manufacturing. Dagdag pa rito, ang mas maayos na koneksiyon sa pagitan ng mga isla ay susi sa mas mabilis na paggalaw ng produkto at tao, na mahalaga para sa pag-unlad ng mga rehiyon at paglikha ng kabuhayan.

Matatandaang bumisita rin si first nominee Atty. Johanne Bautista kasama ang kanilang ka-TRABAHO advocate na si Melai Cantiveros-Francisco sa isang port sa Navotas upang makausap ang kapwa mga mangagagawa at namumuhanan tungkol sa pag-modernize ng nasabing pampublikong pasilidad.

Bilang 106 sa balota, malaki ang posibilidad na maisabatas ang mga repormang isinusulong ng TRABAHO partylist sa kongreso matapos nitong masungkit ang rank 16-18 puwesto sa SWS survey na inilabas kahapon.

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …