SUMAKABILANG-BUHAY na ang isa pang OPM icon na si Hajii Alejandro. Siya ay 70 taong gulang.
Kinompirma ni Girlie Rodis, talent manager ng anak ni Hajji na si Rachel Alejandro ang balita ukol sa pagyao ng orihinal na Kilabot ng Kolehiyala.
“It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Dad and Son, Angelito ‘Hajji’ T. Alejandro. At this time, we kindly ask for privacy as our family grieves thris tremendous loss.
We appreciate your understanding and support during this difficult time,” anang official statement.
Sa isang hiwalay na post ang mensaheng, “I can’t fathom a life without you. My heart is broken into a million pieces. You were my first love, my hero, my idol. Forever, your Yabs!”
Kalakip ang isang video clip na kinanta niya ang isa sa mga pinasikat na awitin ng kanyang ama, ang Ang Lahat Ng Ito’y Para Sa ‘Yo.
Si Alynna Velasquez, partner ni Hajji ang nagbalita na na-diagnose ang OPM legend ng stage 4 colon cancer.
Sa panayam kay Alynna ng broadcast journalist na si Julius Babao (sa kanyang YouTube channel) inilahad nito ang ukol sa naging pagsugod nila kay Hajji sa isang ospital.
“It was an ordinary day, and he had a show. He had become bloated, and he could not breathe, eat, or do anything.
“Sabi ko pa-check up. Si Hajji kasi he’s the one who would not. Kaya lang wala ng choice. So when he had a CT scan, nalaman na.
“Pinabasa n’ya. It’s all there. When he heard it from the doctor, he said that he needed an operation like ASAP.
“Stage 4 colon cancer. After the operations, nagkaroon siya ng seizure because he got infected.
“He was rushed to the ICU and it took a while kasi hindi alam kung saan nanggagaling ‘yung infection. Somewhere else. Finally nalaman na nila. After a week tinanggal na ‘yung respirator nila. Then he began to talk.
“Then I prayed sabi ko, Lord sana sa birthday ko nasa regular room na siya. And my prayer was answered. Now, he’s undergoing therapy. Today, he’s home.”
Paglalahad pa ni Alynna, “Ang ganda na ng memory niya. Kuwento siya nang kwento ng things we don’t remember anymore. Ang ganda ng boses niya.
“I want to thank all his doctors for taking care of his vocal cords noong na-intubate siya. Madalas ‘yung mga na-intubate ‘yung mga vocal chord nila, nasisira na ‘yun eh. But they really took care of him.
“I spoke to God. Sabi ko, Lord, please save Hajji now. Please, I want to take him home, Lord. Tapos bumubuti siya,” sabi pa ni Alynna.
February nang humiling ng dasal ang ilang celebrities para sa paggaling ni Hajji nang maospital at ma-intubate.
Si Hajji ay nakikilala sa kanyang malalim at makahulugang boses at madalas na tinutukoy bilang “Hari ng mga Awiting Bisaya” o “The Voice of Soul.”
Isa sa mga pinasikat niyang kanta ang Kay Ganda ng Ating Musika na komposisyon ni Ryan Cayabyab at nanalong Grand Prize sa 1st Metro Manila Popular Music Festival at Seoul Song Festival.