Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid Nora Aunor

Lito nagdalamhati sa pagkawala ng nag-iisang Superstar

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INALALA ni Sen Lito Lapid ang naging pagsasama nila ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor bilang pagbibigay pugay sa pambihirang galing nito.

Lubos din ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng ‘ika niya’y ng isang tunay na alamat sa larangan ng sining at pelikulang Filipino.

Aniya, “Mapa-arte man o kantahan, komedya man o drama, telebisyon man o pinilakang tabing, ang anking talento ni Nora ay nagningning ng higit sa kaninumang bituin sa kasaysayan ng ating bansa.”

Sinabi pa ng aktor/politiko na sa 200 pelikula at 

palabas na tinampukan ni Nora, hindi lamang ito nakapagbigay aliw sa ating mga kababayan, kundi nagsilbing liwanag na nagdala sa atin sa ginintuang panahon ng pelikulang Filipino habang sinasalamin ang realidad ng buhay na siyang nagbigay kamulatan sa marami nating kababayan.

Sa kanyang mga pagganap, binigyang tinig niya ang mga naaapi, ang mga tahimik, at ang mga nawalan ng boses sa lipunan. Ipinakita niya na ang sining ay hindi lang aliwan—ito ay maaaring maging makapangyarihang sandata para pukawin ang damdamin, imulat ang isipan, at itulak ang pagbabago.

Apatnapu’t limang taon na ang nakalilipas, ay nagtambal kami sa dalawang drama film na idinirehe ng yumaong batikang direktor na Mario O’Hara. ‘Kastilyong Buhangin ‘noong 1980 at ‘Gaano Kita Kamahal’ noong 1981. Doon ko namalas ng personal ang pambihirang galing ng isang Nora.”

Binigyang papuri rin ni Supremo Lito ang pagiging propesyonal nj Nora. “Hindi lang ‘yan mapagkumbaba, at puno ng malasakit din sa kapwa ang nag-iisang Superstar. Ang kanyang pamana ay hindi matutumbasan at ang kanyang pagkawala ay isang malaking kawalan sa ating bansa.

“Inaalala natin siya bilang isang premyadong aktress, asawa, ina, alagad ng sining, at tunay na Filipina.”

Sa huli nagpahayag ng pakikiramay ang senador. Anito, “Sa pamilya, mga kaibigan, at sa milyon-milyong tagahanga ni Nora Aunor—ipinaabot ko po ang ating taos-pusong pagdamay.

Mabuhay ang alaala ng Superstar.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …