SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MARAMI ang nagluksa sa pagkawala ng nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts, Nora Aunor. Malaking kawalan si Ate Guy na itinuturing na, “the greatest actress in the history of Philippine cinema.”
Isa sa sobrang naapektuhan ng pagkawala ni Nora ang aktor/politikong si Alfred Vargas na nakasama si Ate Guy sa pelikulang Pieta.
Sa Instagram post ni Alfred kahapon ibinahagi nito ang kanilang larawan/tagpo mula sa pelikulang Pieta at ibinahagi ang ukol sa tagpong iyon.
Paglalarawan ni Alfred, “This scene was taken from one of Ate Guy’s last ever films, PIETA. I played, Isaac, her long “lost” son.
“When Isaac finally returned home he was greeted by a mother who couldn’t remember anything anymore.
“Instead of surprising his mother, he ended up the one being surprised… for the wrong reasons.”
Inesplika rin ni Alfred ang ibig sabihin ng kanilang pelikula gayundin ng istorya nito. Aniya, “Pieta is a story about love, family, truth, mistakes and forgiveness.”
Ang naturang eksena ayon sa konsehal ay isang masakit na tagpo ngunit punumpuno ng pagmamahal.
“Painful because Rebecca, Nora Aunor’s character, the mother of Isaac, couldn’t recognize her son at all.
“Loving because she still showed how much she cared for and loved her son despite the incomprehensible situation.”
Idinagdag pa ni Alfred na isang napakalaking karangalan ang makatrabaho si Nora bukod pa sa marami siyang natutunan at kung paano nagbahagi sa kanya si Ate Guy ng tamang pag-arte sa ilang eksena.
Itinuturing din niyang ang Pieta ang isa sa pinakapaborito at espesyal na pelikulang nagawa niya.
“Ate Guy, working with you has been one of the greatest honors of my life. As an actor and as a human being you have touched my heart. You have taught me so much without saying anything and you have inspired me tremendously by mentoring me through our scenes together.
“PIETA will always be one of the most special and favorite films l’ve done my entire life because of you.
At ang pinaka-importanteng natutunan ni Alfred aniya kay Ate Guy, “TRUE STARS SHINE BECAUSE OF THEIR f AND GENEROSITY IN EVERYTHING THEY DO AND WHOEVER THEY MEET. Sayo ko naramdaman ito nang sobra, Ate Guy.”
Kaya naman punompuno ng pasasalamat si Alfred kay Nora.
“Maraming salamat dahil tinanggap mo ako sa puso mo at nagkaroon ako ng chance to work at makilala ang ONE AND ONLY SUPERSTAR that we will ever have!
“Rest in peace, Ate Guy A A A Mahal na mahal kita. #restinpeacenoraaunor”
Sa huli sinabi pa ni Alfred na ipalalabas muli ang kanilang pelikulang Pieta ng libre bilang tribute sa Superstar. “As a tribute to our one and only SUPERSTAR, I’m planning to show PIETA in selected SM Cinemas nationwide, for free, later this year. Para mapanood ng Noranians ang isa sa mga pinakahuling obra ni Ms Nora Aunor!
“Rest in peace, Ate Guy 🙏🏽🙏🏽🙏🏽 Mahal na mahal kita.”