Monday , April 28 2025
SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa isang debate.

Sa Pandesal Forum kahapon na inorganisa ng may-ari ng Kamuning Bakery, si Wilson Lee Flores, sinabi ni SV na bukas siya sa pakikilahok sa isang debate sa karibal na si Isko Moreno kung iimbitahan siya.

Kung magkakaroon man ng debate, handa po tayo na lumaban at sumagot,” ani Sam na kitang-kita ang kahandaan para mapatunayang malinis at busilak ang kagustuhang makapaglikod sa mga taga-Maynila.

Kailangan magkaroon ng forum o talakayan para malaman ng mga tao ang plano ng bawat isa. 

“Importante ‘yan na makilala ng mga tao ang mga kandidato at ang kanilang mga plano. Bukod doon sa salita, mararamdaman nila kami,” giit pa ni SV.

Marami ang magagaling magsalita at matatamis ang mga dila. Sasabihin lang nila ‘yung gusot ninyong marinig. Pero noong nabigyan naman sila ng pagkakataon, hindi naman ginagawa. 

Kaya importanteng malaman ng tao kung sino ang nagsasabi ng totoo at tapat sa mga Manileno,” sabi pa.

Kaya nga handang-handa at gustong-gustong ni SV na sana nga magkaroon ng debate para mas mailatag pa niya ang kanyang mga plano para sa Maynila.

“Sana magkaroon ng debate. Hindi ko po aatrasan ‘yan. Anytime, anywhere, haharapin ko si Isko (Moreno) sa isang debate,” giit pa ng dating kongresista.

Sana huwag siyang umatras para sa matalinong debate. Hindi ito personalan. Ito po ay para sa kinabukasan ng mga Manileno para pag-usapan ang mga plano namin at ano ang kaya namin gawin. 

“Ano ang kaibahan mo sa dati at masagot na lahat ng mga issue sa Maynila. Sana huwag siyang umurong at harapin natin ang mga Manilenyo,” wika pa ni Sam.

Sa kabilang banda, ikinasisiya ni Sam na patuloy na dumarami/ tumataas ang bilang ng mga gusto siyang maging alkalde ng Maynila ayon na rin sa mga pinakabagong survey .

Kaunting kembot na lang. Maraming salamat sa inyong tiwala. Gusto ko lang sabihin na iaalay ko ang lahat ng nasa akin para sa lahat ng Manilenyo. Wala akong planong bumawi once elected. 

“Hindi ko kailangan ang yaman ng Maynila dahil hindi sa pagyayabang, lubos-lubos na po ang biyaya ko mula sa itaas. Gusto ko namang i-share kung ano ang mayroon ako sa mga taga-Manilenyo at makapagsilbi ng buong puso.

Samantala, naungkat ang ukol sa pagpapakasal nila ng girlfriend niyang si Rhian Ramos.

Paliwanaf ni Sam gusto niyang makasal sila sa Quiapo Church subalit ayaw niyang gamitin ang pagpapakasal sa kanyang kandidatura.

 “Ayokong gamitin ang kasal para sa kandidatura ko. Basta happy kami at kung mangyari, gusto ko sa Quiapo Church mangyari dahil devotee ako ng Mahal na Poong Nazareno,” ani Sam.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Pagkanta ng mga Noranian ng Superstar Ng Buhay Ko nakaaantig ng puso

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI inalintana ng magkakapatid na  Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon at …

Kobe Paras Kyline Alcantara

Kobe may cryptic post, patama kay Kyline?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI ang nag-react sa tila pasaring na post ni Kobe Paras using the …

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …