Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pilita Corrales

Pilita Corrales pumanaw sa edad 85

KINOMPIRMA ng pamilya ng Asia’s Queen of Songs na pumanaw na ang veteran singer-actress na si Pilita Corrales sa edad 85.

Ibinahagi ng apong si Janine Gutierrez sa kanyang Instagram page ang pagpanaw ng mahusay na singer kasabay ang paghiling ng dasal sa kaluluwa ng kanilang lola.

It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved mami and mamita, Pilita Corrales.

“Pilita touched the lives of many, not only with her songs but also with her kindness and generosity.

“She will be remembered for her contributions to the entertainment industry, but most of all for her love of life and family.

“Please join us with your prayers and kind thoughts as we celebrate her beautiful life.

“Further details regarding memorial services will be shared soon,” post ni Janine.

Wala namang binanggit  kung ano ang ikinamatay ng kanyang pinakamamahal na lola.

Si Pilita ay matatandaan sa kanyang mga  classic hit na A Million Thanks To You at Kapantay ay Langit.

Ilan naman sa mga pelikulang nagawa niya ay ang Pa-Bandying Bandying (1968), Miss Wawaw(1969), at sa telebisyon ay ang 

Kapuso sitcom na Lagot ka, Isusumbong Kita (GMA-7).

Si Pilita ay ina ng aktres na Jackie Lou Blanco at aktor na si Ramon Christopher Gutierrez.

Ang taos pusong pakikiramay ng aming pahayagan sa pamilya ni Ms Pilita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …