Friday , April 18 2025
MayMay Entrara

Maymay emosyonal, ina 2 taon nang nakikipaglaban sa cancer

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INAMIN ng aktres/singer na si MayMay Entrara na hindi naging madali sa kanya na ibahagi ang pinagdaraanan niya ngayon. Ayaw niya kasing kaawaan siya, tanging hiling niya ay dasal.

Ito ang ibinahagi ni Maymay sa Spotlight Mediacon na ginanap sa Coffee Project kahapon ng hapon. 

Kaya natutuwa si Maymay kapag may nangungumusta sa kanya na tulad ng unang tanong sa kanya ni DJ Jhai Ho na host ng Star Magic Spotlight.

Ipinagtapat ni Maymay na dalawang taon nang nakikipaglaban ang pinakamamahal na nanay niya sa sakit na cancer.

At dito’y hindi na napigilang maluha ng aktres at ikinuwentong nagkaroon ng komplikasyon sa kidney ang kanyang inang si Lorna  hanggang sa nauwi sa Big C.

Dahil sa pagkakasakit ng ina pabalik-balik siya sa Japan nitong mga nagdaang buwan dahil sumailalim sa ilang medical treatment ang ina. Nagtutungo rin siya sa Cagayan de Oro dahil may karamdaman din ang kanyang lola.

“‘Yung treatment ng nanay ko tuloy-tuloy pa rin for dialysis,” kuwento ni Maymay.

Sabay sila pero (nanay at lola) mas malubha lang ‘yung sa nanay ko.

“Yung totoo, galing lang ako sa ospital kasi nga pabalik-balik kami sa ospital ngayon. Pero please po, huwag n’yo akong kaawaan.

“I just need your prayers lang, ‘yun lang ang kailangan ko. Kaya isa sa mga pinakaayaw ko talagang mag-open up is ayoko ‘yung parang ano ba…’yung may awa kayo sa akin.

Pero it will help me rin para malaman n’yo kung saan ako nanggaling, ‘yun ‘yung nanay ko matagal nang may cancer, almost two years na.

“Kaya pabalik-balik ako sa Japan. Tapos ngayon, isa na lang sa pinaka-pinasasalamatan ko ay nakauwi siya two months ago. Kaya po hangga’t maaari po eh, nandiyan ako, kami (ng pamilya) kasama siya.

“Tapos kagabi lang isinugod na naman namin siya sa ospital. ‘Yun ‘yung sinabi ko na hindi ako umabot sa hindi sobrang okay at super okay-okay, nandito lang ako (sa gitna) kasi ‘yun ‘yung time na hindi ako okay at nalampasan ko ‘yun.

“And dahil din ‘yun sa Panginoon siyempre, ‘yung acceptance kumbaga nandoon na. At nandito ako sa point na kung saan…hangga’t may oras na all na makapiling ko ‘yung dalawang nanay ko (ina at lola) gagawin ko.

“Mahal na mahal ko sila, of course sobrang hirap pero praise God talaga dahil sa support ng friends ko, ng pamilya ko, ‘yung mga co-worker ko, mga boss ko.

“Umabot din sa point na hindi ako okay or hindi ko na nakayanan ‘yung emosyon ko, nandiyan talaga sila lagi, 100 percent na sumusuporta sa akin.

So ‘yun din po ang dahilan kung bakit on and off ako sa showbiz this past few years po,” sambit pa ni Maymay.

Sinabi pa ni Maymay na, “siyempre tao rin tayo may limitations ang patience natin, may limitations ang kasiyahan natin. Hindi naman laging masaya, hindi laging okey lahat ng sitwasyong mangyayari sa buhay natin.

“I wish na kahit anong trials na dumating sa akin, I will always choose to be happy, I will

always choose to be hopeful, I will always choose na hindi susuko.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Camille Prats

Camille Prats buking ang pagkamaldita

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang hapon ng mga Kapuso dahil sa big …

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Chryzquin Yu

Chryzquin Yu rising star ng Blvck Entertainment

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGGULAT sa kanyang performance ang pambato ng Blvck Entertainment Production Inc., si Chryzquin …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …