Thursday , May 15 2025
TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, nangakong kikilos laban sa labor rights violations sa PH

IPINAHAYAG ng TRABAHO Partylist ang matinding pag-aalala sa inilabas na ulat kamakailan na nagtala ng 83 kaso ng paglabag sa karapatang paggawa sa buong bansa.

Nangako ang grupo na makikipagtulungan sa mga ahensiya ng gobyerno, mga unyon ng manggagawa, at mga pribadong sektor upang mas maprotektahan at maipatupad ang karapatan ng mga manggagawa.

Batay sa ulat ng Federation of Free Workers (FFW) at Danish Trade Union Development Agency (DTDA), kabilang sa mga paglabag ay ang ilegal na tanggalan, hindi pagbabayad ng tamang sahod, panliligalig sa mga unyonista, at pagsupil sa karapatang makipag-collective bargaining.

Ipinapakita ng datos ang malalim at matagal nang mga sistematikong suliranin na kinakaharap ng parehong formal at informal na sektor ng paggawa.

Sa pahayag ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, mariin nitong kinondena ang mga nasabing paglabag at iginiit ang pangangailangan para sa agarang reporma at sama-samang pagkilos.

“Ang dami ng mga paglabag ay talagang nakababahala, ngunit mas nakagigimbal ang katotohanang marami sa ating mga manggagawa ang tahimik na nagtitiis. Hindi natin ito dapat hayaang magpatuloy. Nangangako ang TRABAHO Partylist na pangungunahan ang mga inisyatibo sa Kongreso upang mapalakas ang proteksiyon sa mga manggagawa at mapanagot ang mga lumalabag,” ani Atty. Espiritu.

Kabilang sa mga planong inihain ng grupo ang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang repasohin at palakasin ang mga mekanismo ng pagmamanman sa mga paglabag, pagpapabilis ng pagtugon sa mga reklamo, at pag-oorganisa ng mga labor summit na lalahukan ng mga kinatawan ng unyon, employer, NGO, at mga grupong makatao para bumuo ng mga polisiya at estratehiyang pangproteksiyon sa manggagawa.

Binigyang-diin ni Atty. Espiritu ang plano nilang magpanukala ng mga regulasyon laban sa kontraktuwalisasyon, pagpapahusay sa proseso ng pagkilala sa mga unyon, at pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga lumalabag. Kasama rin dito ang pagbuo ng isang “worker feedback platform” upang gawing mas madali ang pagrereklamo ng mga manggagawa, lalo sa mga liblib o hindi gaanong kinakatawan na komunidad.

“Hindi lang ito isyu ng paggawa, ito ay isyu ng karapatang pantao,” giit ni Atty. Espiritu. “Gusto naming ipaalam sa bawat manggagawa na hindi sila nag-iisa. Sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan sa lahat ng sektor, layon naming lumikha ng isang kultura na iginagalang at hindi nilalabag ang karapatang paggawa.”

Hinimok ng TRABAHO Partylist ang kapwa mambabatas at mga lider ng bansa na ituring ang mga natuklasan bilang isang babala. Nanawagan sila ng suporta mula sa lahat ng partido upang maisulong ang mga repormang nakasentro sa kapakanan ng manggagawa at dagdagan ang pondo para sa mga enforcement unit ng DOLE.

Nangako rin ang grupo na magbigay ng regular na ulat ukol sa kanilang mga hakbangin at nanawagan sa lahat ng manggagawa sa bansa na makibahagi sa paghubog ng isang mas patas, mas ligtas, at mas marangal na kinabukasan para sa manggagawang Filipino.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …