Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BBQ Chicken Chavit Singson Kim Singson Tanya Llana

BBQ Chicken makikipag-collab sa local chefs, tie-ups sa K-pop at Pinoy artists 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

We want to bring in more of the Korean culture in terms of we’re looking at tie-ups, maybe collaborations, with K-pop artists, K-drama artists,” ito ang tinuran ni Ms Tanya Llana, VP ng Genesis BBQ Asia nang pasinayaan ang ika-15 branch ng BBQ Chicken sa Robinson’s Antipolo noong Lunes, Abril 7, 2025.

Bukod dito, 15 pang BBQ Chicken branches ang balak nilang buksan ngayong taon, sabi naman ni Kim Singson, CEO ng KAS Restaurant Group Inc. at anak ni Manong Chavit.

Aniya pa, malaki ang plano nila para sa BBQ Chicken ngayong 2025. Naglalabas din sila ng bago at kakaibang flavor kada dalawang buwan. Sa kasalukuyan, mayroon na silang mahigit isang dosenang variants na maaaring pagpilian, kabilang na ang dalawang bagong flavors na creamy onion at orangy citrus chicken.

Napag-alaman din naming isa ang Robinsons Antipolo branch sa pinakamalalaking sangay ng BBQ Chicken sa bansa. Mayroon itong 130 seating capacity, malaking VIP room at mezzanine floor na pwedeng magpa-book at mag-celebrate ng special occasions/private functions/events.

Ibinalita rin ni Ms Tanya na last year ay dinala nila sa bansa ang sikat na K-drama actor na si Lee Seung Gi.

We had them last year. Right now, there’s nothing concrete yet. We’re such a fan of him, so we’re hoping in the future…,” dagdag pa ni Tanya.

Ikinokonsidera rin nina Kim at Tanya ang pakikipag-collab sa P-pop artists pero lahat ito ay nasa drawing board pa.

“But definitely, we have a lot of collaborations with known or popular chefs coming up, that’s one,” giit ni Tanya.

“‘Cause we want to target per area. Like, for example, we will get a really good chef from Antipolo so we will have flavors of Antipolo and with his knowledge of the city and province.

“Chef Tatung was our first one for the Independence Day flavor which was adobo. We’re also looking for Antipolo, Pampanga, Laguna to incorporate, maybe, kesong puti and stuff like that. So there’s a lot of different things we’re planning for this year,” dagdag pa.

Pinangunahan ni dating Ilocos Sur governor Manong Chavit ang ribbon cutting ng BBQ Chicken Robinsons Antipolo kasama ang ilan pang VIP guests.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …