Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid Gwen Garcia

Sen Lito itinutulak Cebu Church restoration project

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan ng Cebu at buong bansa.

Sa kanyang motorcade nitong Huwebes, dumaan at ininspeksiyon ng senador ang restoration project sa  Nuestra Señora del Pilar complex na pinondohan ng P110-M ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority(TIEZA) na pinamumunuan ni COO Mark Lapid, katuwang ang National Historical Commission of the Philippines at Cebu Capitol.

Ang makasaysayang simbahan ay napinsala ng super typhoon Odette noong December 16, 2021.

Ayon kay Lapid, pinuno ng  Senate Committee on Tourism, layunin ng restoration project na maisaayos at manumbalik ang mga napinsalang bahagi ng simbahan bilang pagkilala sa Cebu na isang heritage and religious tourism destination. 

Nakipagkita rin si Lapid kay Sibonga Mayor Mariano Laude na  mainit siyang sinalubong ng mga kawani ng nasabing bayan.

Sa pulong naman sa Cebu capitol, nagpasalamat si Lapid kay Gov. Gwen Garcia sa pagpapahintulot na mag-motorcade sa buong probinsiya sa loob ng apat na araw mula March 31 hanggang April 3. 

Pinuri ni Lapid si Garcia sa mahusay at matatag na pamumuno sa lalawigan.

Madalas na bumibisita at nagdarasal

si Lapid sa mga simbahan na kanyang nadaraanan sa motorcade sa iba’tibang ng bahagi ng bansa. 

Itinuring ang Cebu bilang isa sa mga haligi ng Kristiyanismo sa Pilipinas at Asya. (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …