ISANG 30-anyos ina at 10-anyos anak na babaeng pipi at bingi ang namatay sa sunog na sumiklab sa Brgy. Carmen West, sa bayan ng Rosales, lalawigan ng Pangasinan, nitong Martes, 1 Abril.
Habang isang senior citizen ang nasugatan sa insidente nang subukang iligtas ang mag-ina.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog mula sa isang poste ng koryente dakong 7:00 ng umaga kamakalawa, na umabot sa bahay ng mga biktima.
Na-trap ang mga biktima sa loob ng kanilang silid at narekober nang magsagawa ng mopping-up operation.
Tuluyang naapula ang apoy dakong 9:43 ng gabi.
Lumalabas na sirang electrical wiring ang sanhi ng sunog.
“Nakalabas na ‘yung ina. Nag-panic, nakalimutan ‘yung anak niya. Binalikan niya. So, dahil sa panic niya, nakita niya masyadong malakas ‘yung apoy,” ani SFO1 Joseph Ullibac, arson investigator.
“At saka ‘yung exit nila kasi is galing doon banda ‘yung apoy. So, na-trap sila, Sir,” dagdag ni Ullibac.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na nagtagal nang halos dalawang oras, at tinatayang P2.5 milyon ang pinsala.
Caption: (Mga retrato mula sa BFP)