Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta Maria PAWS Puso Para sa Puspin

Puso Para sa Puspin inilunsad, Jodi ambassador ng PAWS

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INILUNSAD kamakailan bilang new celebrity ambassador ng Philippine Animal Welfare Society(PAWS), oldest animal welfare organization sa bansa ang Kapamilya aktres, Jodi Sta Maria. Dumalo rin ang aktres sa Puso Para sa Puspin campaign launch na isinagawa noong  March 24 sa Ayala Vertis North.

Masayang-masaya si Jodi noong hapong iyon dahil isa rin sa mahilig sa pusa ang aktres.

Aniya, “I feel so happy, grateful, and humbled by this. To be able to be the voice for these beautiful creatures. I’m just so elated na maging part ng PAWS and ng campaign nila na ‘Puso Para sa Puspin’ because for the longest time, pusakal ang tawag natin sa kanila. Pero sila ay pusang Pinoy, kumbaga worthy din sila at deserving din sila ng love and care nating mga human being. So we’re really advocating for compassion and kindness for these beautiful creatures.  

At dahil sa pagkahilig, si Jodi pala mismo ang lumapit sa PAWS para magbigay ng tulong at suporta sa mga nare-rescue. 

“Ang ginawa ko, nag-private message ako sa social media account nila and I asked them kung paano ba ako makaka-help in my own little way. Until one day, it happened. So nakapunta ako ng PAWS and I was able to meet the people behind the organization na talaga naman pinasalamatan ko rin dahil din sa puso sa paglaban nila at sa pagiging boses nila sa mga animal.”

Bukod sa pag-rescue at pag-rehab at pagbibigay ng low-cost spay at neuter services at pabahay, nagbibigay din ang PAWS ng libreng legal assistance para sa mga animal abuse cases. 

Nalaman naming taong 2014 pa pala ay mahilig nang mag-save ng mga pusa si Jodi. At nais niyang gawin ito ngayon kasama ng PAWS. 

Ibinahagi rin ni Jodi na may alaga siyang pusa ay na-rescue sa airport at isang aspin na ang turing nila ay kapamilya.   

“Most of them kasi na nakukuha sa streets are either abused or they were abandoned. So PAWS actually rescues these animals and of course I know that there are a lot of people who do the same rin. ‘Yung pinaka-importante is ‘yung pagpapakapon. We really believe na ‘yung pagpapakapon ang solusyon sa problema natin sa cat homelessness and cat overpopulation,” sabi pa ng aktres. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …