BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval operations sa mga biktima ng magnitude 7.7 lindol sa Myanmar.
Pinangunahan ng Office of Civil Defense, nagpadala ang Filipinas ng kinatawan mula sa DOH – Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) at ang Urban Search and Rescue mula sa Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection (BFP), at Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ang Philippine team ay kinabibilangan ng mga doktor, nurse, medical technologist, pharmacist, midwife, nursing attendant, administrative, logistics, at technical staff para sa misyon sa Myanmar.
Sa loob ng 18 ay mamamalagi sila sa Myanmar para magbigay ng acute care, life support, trauma management, pharmaceutical provisions, isolation facilities para sa mga nangangailangan at maaari rin magproseso ng referral para sa iba pang medical procedures.