INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa kanilang vote-buying at iba pang ilegal na aktibidad bago pa ang midterm elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Ernesto Maceda, 23 ang vote-buying/vote selling at 11 ang iniulat na abuse of state resources.
“We started getting reports even before the start of election period,” ani Maceda.
Ani Maceda, kanila itong inaaksiyonan at tinutugunan.
“Most probably, for 2025, we will still see NCR as having the most reports” dagdag ni Maceda.
Kasalukuyang head of the Comelec Committee on Kontra Bigay si Maceda, na sinabing noong 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ay nanguna ang Metro Manila sa maraming reklamo ng paglabag.
Noong 2022 national elections, nakapagtala ang poll body ng 1,226 reklamo at noong 2023 ay nakapagtala ng 375.