Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador Beautéderm Rhea Tan

Maja Salvador at Beautéderm CEO Rhea Tan may matibay na pinagsamahan, maalaga sa katawan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Maja Salvador na ang pagiging close nila ng Beautéderm founder at CEO na si Rhea Anicoche Tan ay natural at walang halong kaplastikan.

Aniya, “Si manang kasi… siguro parehas kaming Ilocana, kaya parang nandoon iyong akala mo na parang… baka isipin ng iba na nagpaplastikan dahil masyadong close agad. Iyong ganoon?

“Pero hindi, wala talaga, alam mong totoo iyong ipinapakita… simula noong nag-umpisa kami na hanggang ngayon na ninang (sa kasal) ko siya, as in manang ko talaga siya.

“So, iyong relationships namin ay alam mo talagang matibay. Kasi, kahit na ang dami-daming mga pagdadaanan sa buhay, alam mong isa kami na talagang mag-aalalayan sa isa’t isa at kakampi ng isa’t isa.”

Pahabol pa ni Maja, “She’s more than my boss, so talagang totoong manang ko siya, manang is ate, alam n’yo naman. So, ateng-ate talaga siya.”

Last Wednesday ay nag-renew ng kontrata si Maja sa Beautéderm Corporation bilang ambassador ng BlancPro. Ito ay ginanap sa Solaire North.

Pinuri ni Ms. Rhea bilang isang kaibigan at bilang babae ang magandang aktres.

Wika niya, “Maja’s pure heart is my favorite thing about her. I consider myself fortunate to have made genuine friends in the entertainment industry. Outside of work, we discuss her daughter, her family, and everything. I know how nice she is. Therefore, she deserves a good family life, and I believe she is an encouragement to any woman who wishes to start a family.”

Inusisa namin sila sa presscon kung ngayong mommy na sila, nagbago ba ang concept nila sa beauty?

“Noong naging nanay na ako, mas na-appreciate ko ngayon iyong mga beauty products, iyong mga ganito. Kaya mabuti na lang nag-renew ako sa Beautederm, kasi po ay mahal din iyong pang-maintenance,” nakangiting tugon ni Maja.

Dagdag niya, “Noong naging mommy na ako, mas parang naging conscious or ano ako sa  katawan ko, sa skin ko ngayon.”

Ayon kay Ms. Rhea, “Ako naman talagang lagi kong sinasabi na gift ko ito sa sarili ko. Kaya bine-very good ko iyong self ko, nire-reward ko nga lagi, e, kasi I deserved it.

“So, ang pangako ko talaga sa sarili ko ay maging Extra Small ako forever. At ako ay nasa 44 na, six years na lang ay magiging singkuwenta na ako at sana ay maging extra small pa rin ako.

“Pero napapansin ko rin talaga na nagsa-sag na rin ang skin ko… Ageing is real, pero kailangan nating i-embrace. Because ageing is a blessing, hindi ba kapag nagbi-birthday ka (ibig sabihin) ay buhay ka?

“So, grateful everyday na nag-e-age, kasi ay maganda naman.”

Ayon pa sa lady boss ng Beautéderm, hindi ang inilalagay lang sa face and body ang mahalaga, kailangan din daw na ang beauty ay nanggagaling from within, para natural daw talaga ang lalabas na beauty sa isang tao.  

Samantala, bilang Beautederm ambassador, ine-endorse ni Maja ang Blanc Set, isang top-selling skincare set.

Narito ang benefits na makukuha sa paggamit ng Blanc Set: • Includes Tretinoin (acne treatment) and Hydroquinone (hyperpigmentation
treatment). • Prevents acne and pimples. • Brightens your skin • Decreases inflammation. • Helps fade fine lines and wrinkles.• Enhances skin’s glow. • Addresses dark and aging spots.

Ang Blanc Set ay mabibili sa Shopee, Lazada, TikTok, at sa Beautederm stores nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …