Babalik ang aksyon sa Lungsod ng Santa Rosa sa Nuvali Sand Courts ng Ayala Land sa pangangasiwa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Second Nuvali Open mula Miyerkules (Abril 2) hanggang Sabado.
Sinabi ni AVC president Ramon “Tats” Suzara, na siya ring pinuno ng PNVF, na 18 pares ng kababaihan mula sa walong bansa at 22 tandems ng kalalakihan mula sa labing-isang bansa ang makikilahok sa kauna-unahang major international beach volleyball tournaments na gaganapin sa taon na ito sa Nuvali.
“Ang Pilipinas ay naging sentro ng beach volleyball sa Asia ayon sa patunay ng tournament na ito na magtitipon ng kabuuang 40 teams mula sa 11 bansa,” sinabi ni Suzara, na siya ring executive vice president ng world body FIVB, o International Volleyball Federation.
“Sa pagdalo ng mga top teams dito, hindi lamang natin naipapakita ang elite beach volleyball kundi binibigyan din natin ang ating mga pambansang koponan ng pagkakataong mapatalas pa ang kanilang mga kasanayan,” dagdag ni Suzara ng torneo na ipinakita ng matibay na tagasuporta ng volleyball na Rebisco.
May apat na koponan ang Pilipinas sa kompetisyon ng kababaihan at tatlo sa kompetisyon ng kalalakihan.
Ang mga pares ng kababaihan ay sina Khylem Hari Progella at Sofiah Shanain Pagara, Sunnie Kalani Villapando at Jenny Gaviola, Alexa Polidario at Lorien Isobel Gamboa, at Kathrina Epah at Honey Grace Cordero.
Makikilahok sa side ng kalalakihan ang mga koponan ng bansa na magho-host sa Setyembre ng FIVB Men’s Volleyball World Championship Philippines 2025, sina James Buytrago at Rancel Varga, Edwin Tolentino at Lerry John Francisco, at Ronniel Rosales at Alexander Jhon Iraya.
Ang hahamon mula sa ibang bansa ay mula sa Australia (3 pares ng kababaihan at 3 kalalakihan), Thailand (3 pares ng kababaihan at 3 kalalakihan), China (2 at 2), Japan (3 pares ng kababaihan at 3 kalalakihan), Hong Kong (1 at 1), Uzbekistan (1 at 1), Malaysia (1 kababaihan), at New Zealand, Iran, at Indonesia na may dalawang pares ng kalalakihan bawat isa. (HNT)