Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew E SV Sam Verzosa

Andrew E ‘di nagpabayad; Sigaw ng Manileno SV Bagong Pag-asa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IBANG klase talagang mag-perform ang isang Andrew E. Kapag siya na ang nasa entablado tiyak buhay na buhay ang crowd, hindi ka mababagot at tiyak na makikikanta at makikisayaw pa.

Kaya hindi kataka-takang paborito ang rapper/aktor sa mga kampanyahan. Crowd drawer kasi ang isang Andrew E. Mula sa galing mag-perform hanggang sa mga kantang mula noon hanggang ngayon ay click na click sa masa. 

Tugma rin na pang-jingle ang melody ng ilan sa kanyang mga kanta sa mga politikong tumatakbo. Kayang-kaya namang gawin iyon ni Andrew lalo’t sa kanya ang kanta at magaling siyang mag-rap.

Tulad ng ginawa niya sa proclamation rally ng tumatakbong mayor ng Maynila, si Sam Verzosa noong March 28 sa Dagupan St., Tutuban, Manila, inendoso at sinuportahan niya ang dating kongresista at entrepreneur. Ikinampanya ni Andrew si SV sa mga taga-Maynila na naghahanap ng pagbabago sa nasabing lungsod.

Napaka-propesyonal ni Andrew E na maaga pa lang ay nasa venue na at hindi siya napigil ng ulan para mag-perform. Sobrang dami ng taong dumating noong gabing iyon na talaga namang masayang nasaksihan ang performance ni Andrew E.. 

Wala si Rhian Ramos, girlfriend ni SV noong gabing iyon dahil may trabaho. Madalas namang nakakasama ni SV si Rhian sa mga ibang araw na nangangampanya siya.  

Hindi naman nakaligtas si SV nang usisain dito kung paano nakuha si Andrew. Marami kasi ang kumukuha sa aktor/rapper at siyempre ang kasunod na tanong kung magkano ang TF.

Pero agad sinalag ni SV ang tanong at sinabing good friends sila ni Andrew. Matagal na actually at hindi raw ito nagpabayad sa pagpunta sa kanyang proclamation rally. Ibig sabihin, libre niyang nakuha si Andrew dahil gusto siyang tulungan nito para maikampanya. 

At kahit may kasunod pang performance si Andrew noong gabing iyon, talagang bigay na bigay si Andrew at halos 30-45 mins ito sa entablado. Na pagkatapos na pagkatapos ng kanta, itinaas pa ang kamay ni SV at inendoso para mayor ng Maynila. Aniya, “Kung gusto ng pagbabago, si SV ang kailangan.” 

Bago ang proclamation rally, walong oras nag-motorcade si Sam at masaya niyang ibinalita sa amin kung gaanong karaming tao ang naghintay at sumama sa kanyang mga supporter.

Kaya hindi niya napansin ang pagod at pagkakaroon ng guhit sa mukha dahil sa walong oras na pagkabilad sa araw. Nakita nga namin ang resibo ng naturang motorcade at totoo mahal ng mga taga-Maynila ang isang Sam Verzosa. Kaya naman tulad ng motorcade at proclamation rally, dinagsa iyon ng mga taga-Maynila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …