Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jomelle Joegy Marquez

Anak ni Joey Marquez na si Joegy pambato ng ‘Pinas sa Miss Teen Global 2025

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKANGITI at kitang-kitang ang tiwala sa sarili ni Miss Teen Global Philippines JomelleJoegy Marquez nang ipakilala ito sa amin ni Charlotte Dianco, National DirectorsPhilippines, Miss Teenager Universe Philippines 2025 noong Huwebes sa B Hotel, Alabang para sa Crowning at Sashing Ceremony nito.

Bunsong anak ni Joey si Joegy sa dating Miss Pasay na nagtatrabaho noon sa banko. Siya iyong nakarelasyon ng aktor/politiko matapos ang sa kanila ni Kris Aquino.

Labinlimang taong gulang pa lamang si Joegy at tulad ng kanyang kapatid sa amang si Winwyn (first Reina Hispanoamericana Filipinas title saMiss World Philippines 2017 ), pinsang si Michelle Dee (Miss Universe Philippines 2023) at tita na si Melanie Maquez (Miss International 1979) taglay din ni Joegy ang mga katangian para maging isang beauty queen.

“Growing up, I liked rincesses, fashion and modeling,” aniya nang matanong kung talagang gusto o hilig niya ang sumali sa beauty pageant. “On career days at school, I’d always choose to be firefighter or ballerina simply because I love the outfits.”

Pero aminado naman ang 15-anyos na bata pa man siya mahilig na siya sa tiara. Madalas daw siyang bilhan ng kanyang daddy Joey ng tiara dahil gustong-gusto niya ang maging prinsesa.

I remember I’m begging my dad to buy me a tiara ‘coz my tiara before broke when I ws a kid. He bought me a lot,” nangingiting pagbabalik-tanaw ni Joegy.

At sa totoo lang, ikinagulat daw ng kanyang daddy Joey nang malamang sasali siya sa beauty pageant dahil aniya, “growing up, I was the quiet, reserved type. But he’s definitely supportive. His only reminder is that I finish school.

“He was so supportive with what I’m doing,” dagdag ng dalagita.

Pero pagtatapat ni Joegy, hindi niya akailaing magugustuhan niya ang pagsali sa beauty pageant. “I never realized I wanted to be a beauty queen until I started experiencing it. Growing up I always like fashion and modeling.”

Naikuwento rin sa amin ni Joegy na close sila ni Winwyn at nangakong tuturuan siya nito ukol sa beauty pageant. “She want’s to teach me it’s just she’s busy now,” anito na malaking influence rin sa kagustuhang maging beauty queen ang nanay niyang dating Miss Pasay

She was Miss Pasay in her college days and she inspired me a lot. I look up to my family a lot especially my mom.”

Close rin si Joegy sa kanyang daddy Joey.  “He was so supportive though he’s concern about my education but he’s so supportive with what I’m doing.

“He’s a good father, he’s amazing, he dance so much for me. I remember I’m begging my dad to buy me a tiara coz my tiara before broke when I was a baby. He bought me a lot,” wika pa ni Joegy.

At dahil magaling na artista ang kanyang ama, natanong din namin kung sa huli ay papasukin din niya ang pag-aartista. 

“I’ll think about it because I want to pursue my education first and then beauty pageant, I want  step by step. I’m in Grade 9 now, and I will pursue my studies…maybe something to do with language like writing, arts,” dagdag pa ni Joegy. 

Pupunta si Joegy sa Brazil sa Setyembre para makuha ang korona. Adbokasiya niya ang kapakanan ng hayop at ipakikita niya sa mundo na ang mga Pinoy ay magaling makitungo lalo kapag iniharap ang sarili sa isang paligsahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …