SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MASAYANG-MASAYANG ibinalita ni Maja Salvador na naging makulay at exciting ang kanyang personal na buhay dahil sa kanilang anak ni Rambo Nuñez, si Maria na 10 month old na ngayon.
Naibahagi ito ni Maja noong Miyerkoles sa naganap na contract renewal partnership niya sa Beautéderm Corporation na pag-aari ng ng matagumpay na negosyanteng si Ms. Rhea Tan na isinagawa sa Solaire North.
Ibinahagi pa ng aktres na dahil sa matagal-tagal din siyang hindi nakapagtrabaho dahil tinutukan talaga niya ang kanilang anak, nasabi ng kanyang asawa na, “kung ayaw mo na mag-anak pa, okey ang naiintindihan ko.
“Pero sabi ko, ‘gusto ko pa’ kasi ang cute ng anak ko,” nakangiting wika pa ng aktres na apat na taon na palang bahagi ng Beautederm.
“Kinompleto niya (Maria) ang pagkababae ko!” sabi pa ni Maja Salvador ukol sa katuparan ng kanyang pangarap na maging isang ina.
Ani Maja na inatake rin siya ng postpartum depression pero hindi naman siya pinahirapan ni Maria sa kanyang pagbubuntis.
“Ang laking parte ni Maria sa kung sino ako ngayon kasi kinompleto niya ‘yung pagkababae ko. Siya ‘yung kumumpleto sa pangarap ko.
“Laging si Maria. Bawat trabaho, ‘yung dressing room ko, kailangang may mas malaking space ng kaunti kasi bitbit ko si Maria.
“Noong dumating si Maria, sabi ko ‘parang ‘di muna ako magtratrabaho. Kaya ko naman, eh.
“Parang ‘yung ang tagal mong pinangarap, pangarap ko talaga, so ‘yung priorities mo sa life, parang lahat, lahat ng desisyon mo, lahat ng decision making mo, parang kahit ‘di pa sumasagot si Maria, titingnan mo lang siya, siya ‘yung makasasagot,” exciting na pagbabahagi pa ng first time mom.
“Kaya noong may inquiries na po tayo, if kailan ako pwedeng mag-work na ulit, ganyan, kunwari paggawa ng movies, at saka mga TV series, sabi ko hintayin ko lang mag-one year old ‘yung anak ko’ kasi siyempre ang tagal kong pinangarap tapos hindi ko, ‘di ba, makikita ‘yung mga milestone niya.
“So ‘yun sabi ko miss ko nang mag-work pero pinangarap kong maging mommy at ibinigay sa akin ngayon ito. Kaya ayun, hindi ako nagmamadali,” wika pa ni Maja.
Kasabay ng renewal ng contract ni Maja ang pagdiriwang at pagbibigay pugay ni Ms Rei sa mga kababaihan bilang ipinagdiriwang ngayong buwan ang Women’s Month.
Anang presidente, CEO ng Beautederm, “Use your heart to serve others and inspire them to pursue their inspirations.
Sinabi pa ng aktres, dancer na endorser ng Blanc Set, top selling skincare set na nakaranas na rin siya ng tinatawag na “mom guilt” lalo na noong naghahanda siya sa pagbabalik sa ASAP.
“Bilang first time mom, mag-six months siya noong first appearance ko sa ‘ASAP.’ Medyo may hesitation akong gawin ‘yun kasi feel na feel ko talaga maging mom. Na-miss ko rin magsayaw.
“Nagsabi rin ako kay Rambo. Almost two weeks akong nag-prepare, at six hours ko siyang iniiwan, at talagang super guilty ako. Totoo pala talaga ‘yun (mom guilt),” wika pa ni Maja.
At simula nang magkaroon ng Maria si Maja, lalong tumaas ang patingin niya sa mga ina.
“Noong nagkaroon na ako ng Maria, ang taas na nang tingin ko sa nanay ko. Dati pa lang, saludong-saludo na ako kasi single mom siya, pero noong nagkaroon ako ng Maria at na-experience ‘yung maging mommy, mas lalo akong tumingala sa kanya.”
Kaya naman sobra-sobra rin ang ang pasasalamat ni Maja kay Ms Rhea dahil kahit nanay na siya ay ini-renew pa rin nito ang kanyang kontrata sa Beautéderm.
Giit ni Maja, hindi lang siya basta ambassador ng beauty kingdom ni Ms. Rhea, kundi tunay na pamilya na ang turing nila sa isa’t isa. Ninang si Ms Rhea nina Maja at Rambo sa kasal.
“Maja’s pure heart is my favorite thing about her. I consider myself fortunate to have made genuine friends in the entertainment industry.
“Outside of work, we discuss her daughter, her family, and everything. I know how nice she is, therefore she deserves a good family life, and I believe she is an encouragement to any woman who wish to start a family,” pahayag ni Ms. Rei sa pagiging mukha ng BlancPro beauty products.
Kasama sa Blanc Set Tretinoin (acne treatment) at Hydroquinone (hyperpigmentation treatment). Ito ay nakatutulong para ma-prevent ang acne at pimples, nakaka-brighten ng kutis, nakababawas ng inflammation, nakatutulong mawala ang fine lines at wrinkles. Ang Blanc Set ay nakae-enhance para mas maging glow ang skin at nakatutulong para maalis ang mga dark at aging spots.
Napakaganda ng samahan nina Ms Rei at Maja. Tulad nga ng tinuran ni Maja, pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa. Kaya naman kahit nasaang lupalop sila ng mundo, anumang oras, nagtatawagan sila, nagkukuwentuhan ng buhay-buhay. Kaya nga super appreciated ni Ms. Rei ang pagiging active ni Maja sa pagpo-post ng kanilang mga ganap sa Beautéderm sa loob ng apat na taon.
“This celebration is especially meaningful to me because I believe in women’s power, kindness, generosity, and entrepreneurial skills. You all know how I founded Beautéderm 15 years ago, and we’re still going strong.
“All of these things have shaped me into the woman I am today, thanks to the support of other women such as my mother, sister, daughter, female employees, and female endorsers such as Maja Salvador.
“We have accomplished a lot in recent years and will continue to do so with your help and the continued patronage of our products, especially the Blanc Set, which improves skin glow.
“If you ask me, true woman’s glow comes from generosity and kindness. While we strive to be the most appealing, we must never lose sight of our inner beauty. Beauty fades, but the way you make others feel never does,” say ni Ms Rei sa kanyang speech na ipino-promote rin ang Cristaux Vitamin C serum, isang high quality serum na nakababawas sa dark spots, blemishes, at sun damage. Nakatutulong din ang Cristaux Vitamin C para ma-hydrates ang skin para manatili ang glow nito, dahil ginawa ito mula sa mga high quality ingredient.
Ang Blanc Set at Cristaux Vitamin C ay mabibili sa Shopee, Lazada, Tiktok, Beautederm store nationwide.