NAPAKALAKING bagay na mabigyang pagkakataon na makabalik sa pag-aaral ang mga tambay. At naisakatupar ito sa tulong ng independent senatorial candidate na si Bam Aquino.
Ganoon na lamang ang pasasakamat ng rapper/actor/director at vlogger na si Pio Balbuena kay dating Senador Bam sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga tambay na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng kanyang batas sa libreng kolehiyo.
Sa isang vlog, sinabi ni Pio na napakasuwerte ng mga tambay dahil makapagtatapos na ang mga ito ng kolehiyo sa tulong ng batas na iniakda ni Senador Aquino.
Aniya, hindi lang diskarte ang mahalaga para magkaroon ng magandang buhay kundi ang pagkakaroon din ng diploma.
Dagdag pa ni Pio, kung nalaman niya agad ang tungkol sa libreng kolehiyo ni Senador Aquino, sana ay pinursige na niya ang pangarap na kurso.
Hinikayat naman siya ni Senador Aquino na hindi pa huli ang lahat at kaya pa niyang maabot ang pangarap sa tulong ng batas sa libreng kolehiyo.
Natuwa rin si Pio sa plano ni Senador Aquino na itawid ang libreng kolehiyo sa siguradong trabaho kapag nakabalik siya sa Senado.
Bukod sa pagiging rapper/actor/director at vlogger, si Pio ang may-ari ng sikat na Tambay caps na kilala sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa pamamagitan ng kanyang kompanyang Tambay Traders Inc., nakapagbibigay din siya ng kabuhayan sa mga tambay.
Samantala, kalalabas lang ng bago niyang single na 45 BARS. (MVN)