SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
EMOSYONAL si Congressman Arjo Atayde sa kanyang State of the District Address (SODA) na ginanap noong Lunes sa Skydome, SM North, Quezon City.
Kung ilang beses napaluha ang representate ng 1st District habang nagpapasalamat sa suportang natatanggap niya mula sa kanyang constituents at mga kasamahan din sa politika at showbiz industry.
Kasama rin siyempre ang buong-buong suporta ng kanyang mga magulang na sina Papa Art Atayde at aktres na si Sylvia Sanchez na present noong hapong iyon. Pinasalamatan din ni Arjo ang kanyang mga kapatid at ang asawang si Maine Mendoza.
Nakaka-proud pagmasdan si Arjo habang ibinabahagi ang mga nagawa sa kanyang distrito. Nakita rin naman kung gaano kaganda ang pagtanggap at suporta ng mga tao sa kanyang pagpasok sa politika.
Sa picture taking pagkatapos ng report, hindi magkamayaw ang mga grupo/individwal sa pagbati, pagyakap, pagpapa-selfie sa aktor. At kapansin-pansin na lahat ay may personal na relasyon si Arjo sa kanila. Aba naman umabot din ng ilang oras iyon dahil bawat kumakamay sa kanya ay may ilang segundong nakikipaghuntahan si Arjo.
Sa ulat ni Arjo, sinabi nitong mahigit 400,000 indibidwal ang direktang nakinabang sa kanyang mga signature na programang Aksyon Agad mula nang maupo noong 2022.
“Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakatuparan natin ang mga programang may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga mamamayan,” anang mambabatas habang iniisa-isa ang nagawa ng kanyang opisina tulad ng pangunguna sa pagbibigay trabaho, tulong sa edukasyon, pangkalusugan, youth development, disaster response, at infrastructure.
Binigyang diin ni Arjo na, “projects or numbers are not at the core of Aksyon Agad, kundi ang bawat taong natulungan at bawat pamilyang naiangat.”
Ilan sa mga key accomplishment na iniulat ni Arjo ay ang 11,498 workers na tinulungan mula sa TUPAD emergency employment program, 1,500 applicants connected sa overseas jobs sa Taiwan Job Fair, 1,100 residenteng sinanay sa ilalim ng TESDA at iba pang livelihood initiatives, 245 small entrepreneurs na binigyang suporta sa ₱15,000 capital sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program, 60 dialysis patients a day na nakatatanggap ng libreng gamutan mula sa bagong pasilidad, 75,466 indibidwal na nabahaginan ng tulong medical, 4,598 estudyante ng nakatanggap ng CHED educational aid, at 1,410 scholars na sinuportahan mula sa Tulong Dunong at SMART, 132,567 pamilya ang nabigyan sa Rice Distribution Program, 65,300 residente ang nakatanggap ng libreng pagkain mula sa Kusina on Wheels, 64,000 pamilyang nabigyan mula sa Pamaskong Handog sa Kapaskuhan, 7,789 pamilya ang tinulungan matapos masunungan, at 3,501 pamilya ang binigyan ng burial assistance, 40,684 indibidwal ang bakinabang sa tulong pinansyal para sa iba’t ibang pangangailangan.
“Sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang—lahat ay napupunta sa programang direktang makatutulong sa inyo.
“Public service is not about grand gestures or sweet words—ito ay ang mabilis, epektibo, at tunay na pagtugon sa pangangailangan ng tao… Projects or numbers are not at the core of Aksyon Agad, kundi ang bawat taong natulungan at bawat pamilyang naiangat,” sambit pa ng aktor/politiko.
Sa edukasyon at youth development, ibinahagi ni Rep Arjo, “sa pamamagitan ng CHED Educational Assistance, 4,598 mag-aaral ang nabigyan ng suporta para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral while a total of ₱2,817,000.00 in cash allowance ang naipamahagi sa 929 senior high school students sa ilalim ng Tulong Eskwela Program.”
Binigyang diin din ng batang mambabatas ang kahagahan ng sports development na he 987 kabataang atleta ang natulungan sa Aksyon Agad Sports Program at sa Inter-Barangay Youth Program at Council League na inilunsad simu na inilunsad sa kanyang unang termino at pinalawak upang pagyamanin pa ang pagkakaisa at disiplina.
“Next year, the program will expand to include badminton, chess, darts, and bowling—giving more residents the opportunity to participate and strengthen community ties,” ‘ika pa ni Arjo.
Tinapos ni Arjo ang SODA sa pamamagitan ng pasasalamat sa kanyang asawang si Maine, pati na rin sa kanyang pamilya, sa kanilang suporta. Ipinaabot din niya ang pasasalamat sa kanyang mga nasasakupan, at sinabing hinding-hindi niya sasayangin ang tiwalang ibinigay sa kanya.
“Wala po ako rito kung hindi dahil sa inyong tiwala—isang tiwalang hindi ko kailanman ipagwawalang-bahala. Sa bawat araw na lumilipas, patuloy kong pinagsisikapan na patunayan na karapat-dapat ako sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin…
“Maraming, maraming salamat, Distrito Uno! Thank you for believing in me; I won’t let you down.”