Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Atasha Muhlach Andres Muhlach Charlene Gonzales

Aga ipinagmamalaki Andres at Atasha

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IPINAGMALAKI ni Aga Muhlach ang anak na si Andres na itinanghal na Best New Male TV Personality sa katatapos na 38th PMPC Star Awards for Television na ginanap noong Linggo sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Kitang-kita ang pagka-proud ni Aga kay Andres nang ibahagi nito sa kanyang Instagram ang nakuhang tagumpay ng anak mula sa first TV show nilang Da Pers Family ng TV5.

Ibinahagi ng aktor ang mga larawan ni Andres na may caption na, “Blessings coming your way, son. Keep up the good work. God be with you always. Always remember, His plans not ours. 

“Congratulations!!! Proud of you! Love you, man!”

Sa acceptance speech ni Andres ay binanggit nito ang ama at sinabing inspirasyon niya ito gayundin ang kanyang buong pamilya na buong-buo ang suporta sa kanya.

Bago ang larawan ni Andres, ipinost din ni Aga ang video ni Atasha para sa pagbibidahan nitong serye, ang Bad Genius  ng Viva One. 

Sinabi ni Aga na naiiyak siya sa tuwa sa kanyang mga anak.

And to you as well my dear daughter! Continue to do good work. Proud of you both! Love you Tash! Grabe kayong dalawa! Naiiyak ako sa tuwa! Continue to spread love and kindness!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …