Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zanjoe Marudo Ria Atayde Sylvia Sanchez Art Atayde

Sylvia pinuri, pinasalamatan si Zanjoe sa pagiging mabuting asawa kay Ria

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAKASUWERTE ni Zanjoe Marudo na nagkaroon siya ng mapagmahal na byenan. Ganoon din naman si Sylvia Sanchez dahil mula sa mga kwento at post ng aktres sa social media puring-puri niya ang manugang sa pagiging mabuting asawa nito ng kanyang anak na si Ria Atayde.

Sa isang social media post, nakaaantig na mensahe ang ibinahagi ni Sylvia para sa asawa ng kayang ikalawang anak, si Zanjoe.

Kahapon, ipinagdiwang nina Z at Ria ang kanilang first wedding anniversary at isang mensahe ang ibinahagi ni Sylvia. Aniya, “Masaya kami na ikaw ang naging asawa ng anak namin na si Potpot [smiling face emoji].”

“Nakita namin kung gaano mo minahal nirespeto at inalagaan si @ria. Kaya aalagaan at mamahalin ka din namin ng Daddy Art moZ

Happy anniversary mga anak [blowing kiss, red heart emojis].”

Kasama ng napakagandang mensahe ni Sylvia ang throwback video at pictures sa naganap na kasalan nina Z at Ria last year.

Binati rin ni Sylvia si Ria ng happy birthday at sabay sabing: “We love you both [blowing kiss emojis].”

March last year nang ikinasal sina Zanjoe at Ria sa Quezon City sa isang civil ceremony na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte. June 2024 naman nang ibinunyag ng mag-asawa na magkaka-baby na sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …