Wednesday , March 26 2025
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon nagbabalik sa tunay na mahal: makatulong sa kapwa

SA loob ng ilang dekada, pinatunayan ni Sharon Cuneta kung bakit siya tinawag na “megastar.”  

Reyna ng big screen at concert stage si Sharon na naaantig ang mga puso mula sa kanyang mga iconic ballad, hindi malilimutang karakter sa mga drama role, at hindi maikakailang relatability. Mula sa pagpapakita ng katatagan, isang Filipina na nagiging boses ng publiko, nakagawa si Sharon ng malaking epekto sa buhay ng bawat Filipino, sa pagiging artista man o sa pagiging simpleng tao.

At sa pagkakataong ito, nagbabalik ang megastar dala ang isang bagong misyon kasama ang kanyang asawa, si dating Senador Kiko Pangilinan para sa isang adbokasiya na malapit sa bawat tahanan: ang karapatan ng pamilyang Filipino sa abot-kaya at masustansyang pagkain.

Noon pa man ‘di matatawaran ang koneksiyon ni Sharon sa masa. Mula sa blockbuster film, sold-out concerts, o viral social media posts ukol

sa mga bagay-bagay mula sa pagkain at pamilya, hindi maitatanggi ang naaabot nito.  Kaya naman nang sumama siya kay Kiko para sa advocacy nito para sa mga magsasaka at seguridad sa pagkain, napakadali para kay Sharon—perpektong timpla ng star power at taos-pusong layunin.

Sa kanilang bagong TVC, “’Pag may Kiko, may Sharon,” maaaring mukhang mapaglaro sa una, ngunit sa likod ng kaakit-akit na slogan ay isang malakas at seryosong mensahe. Ang mga pelikula ni Sharon ay laging nakasentro sa pamilya at napagtagumpayang mga pakikibaka, habang ang mga patakaran ni Kiko ay nakatuon sa pag-secure ng abot-kayang pagkain at patas na pagkakataon para sa mga magsasaka. Ang mga iconic na “baon” na eksena ni Sharon ay isang magandang metaphor para sa misyon ng mag-asawa — ang isa ay naghahatid ng init, ang isa ay naghahatid ng mga nasasalat na solusyon. Ito ay isang perfect match: ang isa ay nagdadala ng puso, ang isa ay nagdadala ng aksyon.

Ngayon, pag-usapan natin ang isa sa pinakamamahal na aspeto ng kampanyang ito:

Si Sharon at ang kanyang “baon.” Para sa maraming Filipino, ang “Sharon” ay naging kasingkahulugan ng pag-uuwi ng mga natirang pagkain, dahil, aminin natin, sino ang makatatanggi sa pagkaing napakasarap sayangin? Ang patalastas ay matalinong gumagamit ng pamilyar na kultural na konsepto upang i-highlight ang isang mas malalim na isyu — ang mga Filipino ay hindi kailangang mahirapang maglagay ng masasarap na pagkain sa mesa, at ito’y  tiniyak nina Kiko at Sharon.

Sa isang nakaaantig na eksena, pumasok si Sharon sa isang party at, nang makita kung paanong naubod ang mga pagkain, naisip nitong kahit na ang mga natirang pagkain na karaniwan niyang naiuuwi ay maituturing na importante. Nakatatawa, oo, ngunit ito rin ay nagpapatunay ng tumataas na presyo ng pagkain at inflation na kinakaharap ng maraming Filipino. Rito papasok si Kiko — ang lalaking may plano.

Si Kiko ay hindi basta lang nasa likod ni Sharon ma nagbibigay ng glow kundi isang siyang asawang walang sawang nagsusumikap na makapagpada ng mga batas na naglalayong suportahan ang mga Filipinong magsasaka at mangingisda, matiyak ang katatagan ng pagkain, at sa huli ay ibaba ang mga presyo ng pagkain. 

Habang si Sharon naman ang nagbibigay ng karisma ar talino na minamahal sa kanya ng

milyong tagahanga, si Kiko ang nakikioaglabam sa tunay na laban para ayusin ang sistema ng pagkain sa bansa.

Ang pinakabagong kampanyang ito, kasama ang perpektong kombinasyon ng katatawanan at puso, ay tumutugon sa malaking isyu ng inflation at mga epekto nito. Bakit ang mga ordinaryong Filipino ay nakakukuha lamang ng spaghetti o pancit tuwing kaarawan? Bakit isang beses sa isang taon ang ham?

Bakit hirap na hirap na nga ang ating mga magsasaka hirapan pa rin silang mapakain ang sarili nilang pamilya?

May mga sagot si Kiko, at sa star power ni Sharon na nasa tabi niya, mas marami ang nakakapansin.

Palaging ipinaglalaban ni Sharon ang kanyang pinaniniwalaan — gaya ng pakikipaglaban niya para kay Kiko noong 2022 election, sa pamamagitan ng heartbreak at setbacks. Tulad ng lahat ng kwento ni Sharon, laging may balik at ito ay para sa pamilyang Pinoy.

Kasama ni Kiko, tinitiyak ni Sharon na lahat ng pangangailangan ng mga Pinoy ay naririnig , na ang seguridad sa pagkain ay hindi lamang isang patakaran kundi isang paraan upang mabigyan ang bawat pamilya ng mas maliwanag, at tuloy-tuloy na pangangailangan sa kinabukasan.

Bilang si Kiko ang nagbibigay ng solusyon at si Sharon ang puso at lakas, ang tandem nila’y nagbibigay katiyakan para maging abot-kaya ang mga basic need at masusustansyang pagkain.

At sa star power ni Sharon, sino ang makapipigil?

About hataw tabloid

Check Also

DOST CSUs C-Trike A Game-Changer for Green Transportation in Tuguegarao

Naimbentong C-trike ng CSU, iniaalok sa FETODA ng Tuguegarao para sa environment-friendly na transportasyon sa lungsod

NAKAHANDA ang Electromobility Research and Development Center o EMRDC ng Cagayan State University na ibahagi …

DOST CSUs C-Trike A Game-Changer for Green Transportation in Tuguegarao

DOST, CSU’s C-Trike: A Game-Changer for Green Transportation in Tuguegarao

The Electromobility Research and Development Center (EMRDC) of Cagayan State University (CSU) is set to …

Jillian handang hintayin si Michael 

RATED Rni Rommel Gonzales TALAGA namang sumakses sa primetime ang tambalang MicJill o Jillian Ward at Michael Sager. Mula simula …

Herlene Budol Tony Labrusca

Tony at Herlene tandem kinakikiligan

RATED Rni Rommel Gonzales WINNER talaga sa puso ng viewers ang mga serye sa GMA Afternoon Prime! …

Bianca Umali Si Migoy ang Batang Tausug

Bianca Umali itinuturing na luho ang mga libro

RATED Rni Rommel Gonzales DUMALO si Bianca Umali sa Philippine Book Festival 2025 sa SM Megamall at nagbigay saya …