Thursday , March 27 2025
Sarah Discaya

Promise ni Ate Sarah Discaya,  
Mas higit pang tulong para sa single parents, mga batang may special needs, at mental health condition 

PASIG CITY – Nangako si Cezarah Rowena “Ate Sarah” Discaya, kandidato sa pagka-alkalde ng Pasig, na bibigyang-prayoridad ang karagdagang tulong para sa single parents at sa mga pamilyang may anak na may mental health conditions, bilang pagkilala sa kanilang pangangailangang suportahan.

Binigyang-diin ni Discaya ang kahalagahan ng pagtulong sa mga sektor na mas nangangailangan, lalo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo publiko.

“Mahirap ang buhay ngayon. Kung ang mga regular na pamilya ay hirap sa taas ng bilihin, mas lalo na ang single parents na solong nagpapalaki ng anak, at ang mga magulang na may anak na may kondisyon tulad ng ADHD at autism,” aniya.

Personal niyang nauunawaan ang ganitong mga pagsubok, dahil ang apat niyang anak ay may ADHD.

“Naiintindihan ko ang hirap na dinaranas ng mga magulang na may anak na may ADHD. Alam ko ang kanilang pangangailangan at kung gaano kamahal ang mga therapy at iba pang medikal na pangangailangan para sa kanilang mga anak,” dagdag niya.

Kapag nahalal, ipaglalaban ni Discaya ang mas malaking medical assistance at serbisyo para sa mga batang may mental health challenges.

“Itutulak ko ang pagbibigay ng mas maraming medical assistance para sa mga batang may mental health conditions. Masyadong mahal ang gamutan at therapy, kaya dapat may suporta mula sa gobyerno upang matulungan ang kanilang mga pamilya,” aniya.

Isinusulong din niya ang karagdagang benepisyo para sa single parents, kabilang ang mas mataas na diskuwento sa mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain at grocery items, upang matulungan silang makaagapay sa pagtaas ng presyo.

“Isa sa aking mga prayoridad ang pagbibigay ng karagdagang ayuda para sa single parents sa Pasig,” sabi niya.

Binigyang-diin ni Discaya na responsibilidad ng mga lokal na pinuno na tiyaking walang maiiwan sa pag-unlad.

“Bagama’t pantay-pantay ang karapatan ng bawat mamamayan, dapat nating kilalanin na may karagdagang gastusin at obligasyon ang mga magulang na may mga anak na may mental health conditions, pati ang single parents na walang katuwang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak,” pahayag niya.

Tiniyak niya sa mga Pasigueño na sa kanyang pamumuno, ang mga pamilyang nangangailangan ng dagdag na suporta ay makatatanggap ng nararapat na atensiyon mula sa lokal na pamahalaan.

“Sa aking panunungkulan, sisiguraduhin kong matutugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang nangangailangan ng dagdag na suporta. Ito ay pangako ko sa mga taga-Pasig, lalo sa mga single parents at sa mga may anak na may mental health conditions,” dagdag niya.

Kompiyansa si Discaya, sa kanyang karanasan at track record, mapapabuti niya ang buhay ng mga Pasigueño.

“Kompiyansa ako na sa aking karanasan, mas giginhawa ang buhay ng mga Pasigueño. Ang aking track record ang magsasalita para sa akin. Walang pamomolitika — sipag, takot sa Diyos, at tiwala sa sarili ang naging sandalan ko upang umangat sa buhay,” pagtatapos niya.

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde kusina on wheels

Kusina on Wheels angat sa mga proyekto ni Arjo

MA at PAni Rommel Placente SA unang sabak palang sa politika ni Arjo Atayde three years ago, …

Pio Balbuena Bam Aquino

Rapper/actor/ direktor nagpasalamat sa libreng kolehiyo ni Bam

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPASALAMAT ang rapper/actor/director at vlogger na si Pio Balbuena kay dating senador at independent senatorial …

Bam Aquino Pio Balbuena

Pio Balbuena nagpasalamat kay Sen Aquino sa pagbibigay pag-asa sa mga tambay

NAPAKALAKING bagay na mabigyang pagkakataon na makabalik sa pag-aaral ang mga tambay. At naisakatupar ito …

Arjo Atayde SODA

Arjo ilang beses naluha sa kanyang SODA: 400K residente nakikinabang sa Aksyon Agad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez EMOSYONAL si Congressman Arjo Atayde sa kanyang State of the District Address (SODA) …

032625 Hataw Frontpage

P136-M shabu nasamsam sa pulis, 3 alalay

ni ALMAR DANGUILAN DINAKIP ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine …