Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Levito Baligod Marilou Malot Galenzoga-Baligod

Pork barrel scam lawyer sinalag nanlalait sa  celebrity candidates

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IPINAGTANGGOL ng isang anti-corruption advocate na kumakandidatong kongresista sa Baybay, Leyte ngayong midterm elections, si Atty. Levito Baligod ang mga tumatakbong artista.

Kung minamaliit o nilalait ng iba ang mga artista, tila itinataas naman ng tumayong legal counsel ni Benhur Luy sa P10-B pork barrel scam ang mga ito.

Aniya, walang nagbabawal sa mga celebrity na pumasok sa political arena. “Ang requiirement lang kasi ng ating Saligang Batas is you must be a Filipino citizen, able to read and write, ‘no, and you are a resident in a given period in a place where you want to be voted for. 

“Ang pwede lang nating masabi ngayon, ang public service ay isang mabigat na obligasyon, isang mabigat na responsibilidad at kung sa tingin ng kandidato ay kaya niyang bitbitin ang responsibilidad ng isang government official, eh, pupuwede naman.

“Sabi nga natin, walang tao na pwedeng sabihin niya ‘ako lang ang nagmamahal sa bayan.’ 

“Anybody and everybody can claim love for country. Anybody and everybody can claim he can do the job.”

Pero giit pa ng abogado, dapat unahin ng mga tumatakbo ang pagiging role model sa mga mamamayan.

Tumakbo na sa senatorial race si Atty. Baligod noong 2016 dahil na rin sa pag-anyaya ng dating Pangulong Rodrigo Duterte bago ang pagtakbo bilang kongresista ngayong 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …