Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marilao Interchange Free Toll Fee

Sa 24-28 Marso
Ilalim ng Marilao Interchange sarado para sa repair
TOLL FEE MULA BALINTAWAK HANGGANG MEYCAUAYAN LIBRE

PINAPAYOHAN ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil sa pansamantalang pagsasara ng bahagi ng North Luzon Expressway sa ilalim ng Marilao Interchange Bridge northbound upang ayusin ngayong linggo.

Nakatakdang ayusin ang bahaging ito ng NLEX mula ngayong Lunes, 24 Marso ng 1:00 ng hapon, hanggang 11:00 ng gabi sa Biyernes, 28 Marso.

Ayon sa pamunuan ng NLEX, dalawang lane – pinakakaliwa at pinakakanan, ang maaaring daanan ng mga motorista, at maglalaan ng zipper lang lane sa southbound kung kinakailangan.

Matatandaang napinsala ang tulay ng isang 18-wheeler truck na patungong Bataan noong isang linggo.

Ang truck ay may taas na 4.9 metro, lagpas sa 4.2-metrong vertical clearance limit.

Dahil dito, magpapatupad rin ang NLEX ng pansamantalang toll relief mula Balintawak hanggang Meycauayan simula 12:00 ng tanghali ngayong araw.

Mananatiling libre ang toll fee hanggang sa muling mabuksan ang apat na northbound lane sa Marilao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …